Bulag, Pipi at Bingi

3.2K 129 23
                                    

Mitch

 

Déjà vu.

Napaatras ako. Nanikip yung dibdib ko. Napahawak akong maigi sa folder na dala-dala ko. Ang tanga mo kasi Mitch! Bakit lunch time mo pa dinala yung hinihingi sayong report? Mahigpit yung pagkakahawak ko sa folder. Halos matupi na iyon. Baka kasi malaglag. Tapos… tapos makita na naman nila ako. Just like what happened before. When I saw them together. When I found out that Mika was only giving me the flowers Marcus gave her. Just to pacify me.

Hindi na ako bata. Naiintindihan ko naman kung anong ibig sabihin ng hindi ako gusto.

Marahan lang akong tumalikod. Bakit ba kasi ako nasasaktan ng ganito? Bakit kailangan pang masaktan? Wala naman akong karapatan! Yung dinner last night? It wasn’t meant anything. And hey, Marcus was always, always in love with Mika. What were you thinking, stupid?!

 

Dinala ko yung report ng lunch time para hindi ko siya maabutan. Ironically, iba pala yung maaabutan ko. Napapikit ako at nanghihinang sumandal sa elevator.

“Magreresign ka? Nababaliw ka na ba?” Lumingon sa akin si Maureen. Tinakpan ko yung bibig niya. Pakialamera kasi. Naiwan kong nakabukas yung pc ko. Nakigamit. Ayun, malay ko bang… Ay. Nakakainis.

“Please Maureen. Wag ka ng maingay!”

“Why?”

Umiling lang ako. “Some things we just have to keep for ourselves.”

“Dave, wait lang may kumakatok ata.” Sabi ko sa kanya. Pawis na pawis siya. Binigyan ko siya ng towel. Mabilis na binuksan ko yung pinto. Only to be shocked.

“S-Sir Marcus?”

Namumungay yung mga mata niya.

“Hi.” He smiled shyly.

“M-May proble—”

Naningkit yung mga mata niya. I followed his gaze. Oh-kay. Tapos napasinghot ako. Amoy alak?

“Sino siya?”

Nanlaki yung mga mata ko sa animosity sa boses niya. “Dave is… Dave is my…” Napalunok ako. Teka, bat nga ba ako nageexplain? At bakit gabing-gabi na e nandito ito? “Teka sir, ano bang ginagawa mo dito?”

“Sino siya?”

“Sir Marcus—”

Bulag, Pipi at BingiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon