Mitch
Ang tagal ni Trina. Umupo ako sa hallway habang nagtetext. Yung bruhang iyon talaga. Ayokong maghintay sa mall. Uupo sa fastfood tapos hindi naman oorder hangga’t hindi pa siya dumarating. Ay nako. Kahit kailan talaga yung babaeng yun. Inis na sinaksak ko yung headset ko. Then a shadow clouded above me. Hindi ako tumingin.
I slowly stiffened. Should I stay? Or should I go? Holy cow. Yung pagtetext ko bumagal. Para akong may sixth sense. Nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Long legs. I remembered Judie Abbott’s Daddy Long Legs. Umupo siya sa mismong tapat ko! Ilang araw ko aili siyang iniiwasan? O buwan aili?
Halos ilagay ko na sa mukha ko yung cell phone ko. Nagtetext ako pero sa sobrang panginginig ng kamay ko hindi ko madiretso yung isesend ailin Trina.
Marcus
Napakunot-noo ako. Nakita ko si Mitch na nakaupo sa hallway. Mukhang may hinihintay. Hindi ko alam kung bakit pero imbes na magdirediretso ako sa labas umupo ako sa tapat nito. I gritted my teeth. Either hindi niya ako napansin dahil busy siya katetext sa kung sino mang—
Naningkit lalo yung mga mata ko. O nagkukunwari lang siya.
Tumaas yung paningin niya. She didn’t even smile. Basta na lang tumingin siya sa iba. Tapos balik sa phone niya! Tila walang nakita. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Dahil aili nalaman ko?
Did Mitch… still like me?
Napahugot ako ng hininga. Sa inis nagdial ako ng number, “Hello?”
“Hello?”
“Hintayin kita dito sa hallway.”
“Ako? Hihintayin mo sa hallway? Kadiri ka Marcus! Kelan pa?”
Naiinis na tumingin ako sa babaeng katapat ko. “Basta hintayin kita dito.” I ended the call. Tapos tinitigan ko lang siya. She had shoulder-length hair. It was dyed brown. Mas maputi siya kay Mika. But Mika had much more appeal. Totoo yun. Pero maganda din naman ito.
Bumuntung-hininga ito. Halatang nagkukunwaring hindi ako nakikita o napapansin.
Matagal ko siyang tinitigan.
Mitch
Naiinis na ako. Naiilang. Alam kong kanina pa niya ako tinititigan. Hindi ako assuming no. What was wrong with him? Inis na tumayo ako at dinala yung bag ko. Aalis na ako dito. Hindi ko na to makakayanan. I could melt you know. Staring is rude!
BINABASA MO ANG
Bulag, Pipi at Bingi
RomanceKaya mo bang maging bulag, pipi at bingi sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mo para panindigan ang tao na alam mong hindi sayo?