Mika is somehow real in real life. Okay, redundant. And Marcus is, well, some 'Marcus'. And to date, I think they're living their happily ever after? Wag niyo na ngang pansinin si Ms. Author haha. Kaya nainspire ako dahil sa kanila. Pero not exactly the same story ha. Kumbaga pinaghugutan lang. Wala namang nagka-amnesia.
Kaya for sure, matatapos ko to. Kasi inspired ako e. Pero malapit ng ma-expire. Guys, salamat sa comments ha! Napa-update tuloy ako agad-agad. :))
--------------------------------------------------------------------------------
Marcus picked out some fruits. Nalukot lang yung ilong ko. I don’t like fruits. “Healthy ito. Kaya kailangan kumain ka nito.”
I just shrugged my shoulders. Nakakatawa lang kaming tignan. Baligtad kasi. Siya yung pumipili ng mga gulay saka ingredients sa kusina. At kompletos rekados! Yung iba nga binabalik ko na kasi feeling ko overbudgeted na. Sa bagay, siya naman magbabayad. Habang pareho naming tulak yung cart. Nakalagay lang yung kamay niya sa bewang ko. It was all simple gestures. Pero pakiramdam ko parang totoong totoo lahat. Parang totoo si forever.
“Ayoko ng okra.” Binalik ko yun.
“Gusto ko yan.”
“Ewww.” Nagmake-face ako. “Ang lagkit kaya parang… parang uhog.”
Ngumisi siya. “Para kayang katas ng… babae.” Binulong niya sakin yung huling salita. Nanlaki yung mga mata ko. Kinurot ko siya. “Ikaw ha! Eskandaloso ka.” Tumawa siya. I’d never seen this playful side of him. Para kasi siyang santa-santito sa unang tingin. Aura ni Christian Bautista? Tapos itsura ni Adam Levine. Yummy.
Nauuna ako.
“Hi Marcus!”
Napatigil ako at nalingunan ko yung isang babae. Ow?
Hindi siya ganon kaganda. Pero sexy. Ang ikli ng shorts. Sana nagpanty ka na lang teh. Kung tutuusin hindi naman masagwa kasi sosyal pa ring tignan. Okay lang naman kasing idisplay niya, naiinggit nga ako e, pero Diyosko naman, lalaki pa rin si Marcus. Kamusta naman diba. Makakaappreciate pa rin yan.
Tinitigan ko yung reaction ng asawa ko. See? Nakita ko yung saglit na pasada ng mata niya. Pareho kami e, parang may laser. Pero nakita ko namang mabilis ding tumingin sakin yung asawa ko. Possessive na sabi ng utak ko. Lumapit ako sa kanila. Sumiksik ako sa gilid ni Marcus. “Babe,”
“Ano?” Inis kong sabi habang pilit ang ngiting nakatingin pa rin ako sa babae.
“Sinisiksik mo na ako dito sa vegetable section.” Napalingon ako. Totoo nga, yung balakang niya kulang na lang sumama dun sa mga vegetables. Medyo binigyan ko siya ng kaunting breathing space. Tapos kinurot ko yung braso niya. Napataas pareho kilay niya. Aba, hindi makaramdam. Ngumuso ako sa balikat ko. Napangisi siya. Inakbayan niya ako.
“Hi,” ngumiti yung babae. Parang natatawa sa inaasal ko. “Kumusta ka na Marcus?”

BINABASA MO ANG
Bulag, Pipi at Bingi
Storie d'amoreKaya mo bang maging bulag, pipi at bingi sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mo para panindigan ang tao na alam mong hindi sayo?