Bulag, Pipi at Bingi

2.9K 118 27
                                    

Naiinis na pinihit ko yung pinto. Pagbukas ko ang dilim sa buong bahay. I frowned. Where the hell is Marcus? Iritable. Tila gusto kong magsindi ng kandila at sunugin yung buong bahay sa yamot. Inis na initsa ko yung bag sa couch. Without even turn on the light. Sa anim na buwan ko pa lang sa bahay na to kabisado ko na ata ang bawat sulok nito.

Umupo ako sa couch. I wanted to cry. I wanted to rave.

Bakit napaka-unfair ni God?

Hindi naman ako naging masamang tao a. Naramdaman ko na lang na umiiyak na ako sa couch. Kahit anong pahid ko sa mukha ko tila dam na sumabog yung luha ko. Feeling ko sasabog na talaga ako. This day was supposed to be special. Well, for me.

Pero parang gumuguho unti-unti yung mundo ko sa nalaman ko.

Siguro masama talaga akong tao. Because I never wished ill-will toward other people. Pero naman God, kaunti panahon na lang naman…

I cried for what seemed like forever. No, just a mere seconds.

Nang biglang bumukas yung ilaw. “—Happy Birthday to you!!!”

My eyes grew wide. My heart thudded so loud. Napalingon ako sa lahat ng tao sa paligid ko. Si Trina. Yung iba kong college friends na naging malapit sa akin. Napabuka yung bibig ko. Kahit si Mother Anna nandito?!

Then my eyes focused on only one person in this room.

Totoo pala yung sinasabi sa mga libro. Feeling ko kakapusin ako ng hininga. I was totally swept away. Gusto kong mapakanta ng Chinito ni Yeng e. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumawa. Kasi feeling ko isang malaking joke lang ang lahat ng ito.

“H-hey.” He whispered. And I was totally undone. Lecheng pag-ibig to o.

Napasingkit lalo yung mga mata niya. He was holding my cake. At lalong tumulo yung mga luha ko. Pati ata uhog ko sumama. Because what did they say about cakes? You can’t have your cake and eat it too.

“Babe?” His voice was so gentle. Nag-crinkle yung sides ng mga mata niya. Tapos napayakap ako sa kanya. I started sobbing. Napakalakas. Parang baby. Wala na akong pakialam kung lahat sila nagtataka. Tapos may biglang tumawa. May mga nag-flash na camera. “Hey, babe. What’s wrong?” Mahinang sabi niya. Pinipilit niyang itaas yung ulo ko pero halos napasiksik na ako sa kili-kili ng asawa ko. He laughed softly. “H-happy birthday babe.”

And he kissed the top of my head.

Nung nagtaas ako ng tingin nakita ko yung mga mata niya. Sabi kasi nila dun mo malalaman kung sincere yung tao. And I could feel it in my very bones. Marcus loves me—in his own way. Or maybe… he just cares.

Nakayakap yung isa niyang kamay sa bewang ko habang nakahawak pa rin yung cake sa kabila.

“Grabe, baka naman langgamin na kayo niyan!” Sigaw ni Trina.

Pagtaas ko ng mga mata nakita ko si mother Anna. Guilt assailed me. Napasinghot ako ng wala sa oras. My eyes watered anew. And she smiled. “Mahal kita anak.” I’d read her lips.

Bulag, Pipi at BingiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon