Chapter 1

64 3 0
                                    

[EDITED! February 29, 2016. 2:35PM]


Where: Section Dalton's Room
Time: 8:25 am


Nagbibidahan ang dalawang magkaibigan na sina Maxine at Wendy. Wala kase yong teacher nila at pinatawag sa Principal's Office.


Sadyang madaldal silang dalawa. Wala silang ginawa kundi mag daldalan buong klase. Four years na silang mag bestfriend. Nagkakilala sila noon nung first year pa sila.


"Aish. Hindi siya nagrereply. Galit parin siya sakin hanggang ngayon." Nalulungkot na sabi ni Maxine kay Wendy.


"Sino ba yan?" Tanong naman ni Wendy sabay tingin sa cellphone ni Maxine.


"Si Sean best." Malungkot na sabi ni Maxine. Mahal niya pa kase ang ex-boyfriend niya.


May nakapag sabi kay Maxine na may kasama nga raw si Sean lagi na babae. Dahil doon, lagi siyang nagdududa tuwing di natutuloy ang date nila.


Kaya nung huling date nila na di natuloy, sinundan niya si Sean. Huminto si Sean sa isang Chinese Restaurant at dumeretso doon sa babaeng nakaupo sa isang private table.


Sa sobrang sakit ng kaniyang naramdaman, sumugod siya agad kay Sean at nagsisisigaw ng kung ano-ano. Nagwala siya ng nagwala sa Restaurant.


Sinundan siya ni Sean hanggang sa bahay nila pero hindi talaga siya lumabas. Ang tagal hinintay ni Sean si Maxine pero walang nangyari. Ilang araw ding iyak ng iyak si Maxine. Lagi niyang pinapatay yong mga calls at laging deleted ang mga texts ni Sean.


Second year high school siya noon. Kaya sinabi niya sa sarili niya na bata pa siya. Hindi talaga sila ang meant to be. Na marami pang lalaki jan na mas better kaysa sa kaniya. Pinilit ni Maxine mag move-on with the help of her bestfriend, Wendy.


Nung third year high school na sila, nagtransfer si Sean. Malayo sa school kung saan ang school ni Maxine. Nag kunwari naman si Maxine na parang walang pake-alam. Gusto niyang pigilan si Sean pero manloloko ito. Timer si Sean.


Nung naisipang basahin ni Maxine ang nag iisang text ni Sean nung araw na yon, napaiyak siya.


"Alam ko di mo parin ako papansinin. Pero sana, kahit ganon, mabasa mo parin 'to.
Gusto kong malaman mo na di kita niloloko. Never kitang niloloko. At ayoko kitang lokohin. Sana maniwala ka.
Yong babaeng nakita mo na kasama ko? Representative siya ng Company nila. Busy ang daddy ko kaya ako ang dapat kumausap.

Gusto ko 'to i-explain sayo in person pero lagi mo akong pinag sasaraduhan. Sinarado mo na rin ang puso mo para saakin. Kahit masakit, di ako tumigil na sundan ka. Kahit nag mumuka akong tanga.

Pero tao rin ako, Maxine. Napapagod din. Bakit ko ipagpilitan ang isang bagay na ayaw naman sakin, diba? Para malaman mo, masakit. Masakit, Maxine.

Sa sobrang sakit, kailangan kong lumayo. Malayo sayo. Kase tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Kase yong taong mahal ko, hindi naniniwala sakin.

Kaya ngayon, di mo na kailangang umiwas kase ako na mismo ang lalayo.

Thank you for being my life, Maxine. I will always love you."


Tinry niyang tawagan si Sean pero naka-off yong phone niya. Tinry niya ding puntahan sa bahay nila pero naka-alis na ito. Naging miserable ang buhay ni Maxine. Yon ang last text ni Sean at simula 'nun, nawalan na sila ng communication.


Hindi parin sumusuko si Maxine hanggang ngayon. Lagi niyang mine-message si Sean sa Facebook at Twitter account nito. Kaso kahit seen, wala. Lagi naman siyang kino-comfort ni Wendy.


My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon