Chapter 11

32 2 4
                                    

[Edited: April 26, 2015]
-Autho/ohgreendale 💜


{ M A X I N E }







Pumasok ako nang maaga ngayon. Paano, nakalimutan kong gawin yong assignment lastnight dahil sa kakaisip sa dalawang lalaking yon.







In the end, kay Sean na ako sumama. Syempre, nauna siya. Ang rude naman nun pag kay Ezekiel ako sumama diba?






Ang gulo. Super gulo nilang dalawa. Yong parang may matindi silang away tapos silang dalawa lang yong nagkakaintindihan samantalang ikaw ay tulaley sa gitna nila? Diba ang awkward nun?







"Sarah. Ano page yong assignment?" Earlybird din kase itong batang ito. Apat palang kaming andito sa room.





"Page 8, slide 35. Medyo mahirap yan. Pero kerri mo naman."





"Ah— thanks!" Ay susko! Math! Anong gagawin ko sa math na ito?





Biglang pumasok si Sean at umupo sa tabi ko. Nakasuot yong headset at ang cold parin nang presence niya. Tumingin siya saakin at ngumiti.





"Hi." Sabi niya sabay tanggal nang headset at ipinasok ito sa bag niya.





"Hi." I smiled. "May assignment ka sa math?" Sana meron...





"Yeah."






"Pwede pa-kopya? Hindi ko nagawa eh." Sabi ko sabay puppy eyes at ngiting sobrang lapad.






Umiling-iling siya habang kinukuha yong notebook niya sa bag. "Ikaw ha. Bakit hindi mo ginawa? Iniisip mo ako noh?" Bakit ba ang lumanay nang boses nito? Nakakabaliw.





"Kapal nito!" I snatched his notebook at todo kopya. Alam kong tama yong sagot niya. Matalino siya eh.





"Mr. Willson, bakit mo pinapakopya si Miss Young?" Inirapan ko nalang si Sarah. Ang OA kase eh.





Hindi siya pinansin ni Sean at todo titig lang sakin. Uh... anong meron? Nako-concious ako sa mga tingin niya. Hindi ko alam kung ano ba ibig sabihin nang titig niya na yan? Baka hinuhubaran na niya ako sa isipan niya, nako! Wag naman sana.






"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"






Ngumisi naman siya at pinisil yong cheeks ko. "Ang cute mo."





Umiwas agad ako nang tingin. Alam kong namula yong pisngi ko. Bigla kaseng gumaganon? Sino hindi magba-blushed?





Lunch na namin at abala akong inaayos yong gamit ko sa bag. May napansin akong color yellow na papel. Unfamiliar siya kase wala akong ganyan kanina. Inopen ko ito at may nakasulat.






Hi :) Go here! At the back of our building. I'm waiting. :)
-Sean
    








Seriously? Anong trip nang lalaking ito ngayon? Pero sumunod din naman ako sa sinabi niya. Pumunta ako sa likod nang building namin at nakita siya.






Naka-upo at may mga pagkain sa harapan niya. Parang park kase itong likod nang building. May mga tables and benches. Bawal pumasok dito pero dahil nga anak siya nang may-ari nang school na ito, pwede siyang pumasok dito anytime.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon