Chapter 2

18 1 0
                                    

{ M A X I N E }



Napanganga ako sa narinig. Ano daw? Tama ba talaga yong sinabi ni Sir? Or sadyang nami-miss ko lang siya? Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh... mahirap mag move-on! Masyado na ata akong baliw sa kaniya kaya kung anu-ano naririnig ko.

Napatingin ako sa mga classmate kong pabalik-balik ang tingin saakin at sa harapan. Maski si Wendy ay parang nagulat at natatakot na ewan. Luh? Anyare ba sa kanila?

Tumingin ako sa harapan at nakita siya. Si Sean Willson. My love and my ex.

Kumunot yong noo ko. Is this real? A dream, maybe? Or illusion? Yes... I think that's it. Illusion.

"Sean, please sit down beside Miss Young."

Doon na ako natauhan. Wow. So totoo nga? He's here! Yong taong mahal na mahal ko na gagawin ko ang lahat para makuha siya ulit. Andito siya! At magiging katabi ko pa.

Kung swerte ka nga naman, oh!

Umalis na si Wendy sa tabi ko at bumalik na sa totoo niyang upuan. Binigyan niya ako nang 'umayos ka' look. Tumango nalang ako agad. Alam kong papagalitan nanaman ako pag hindi behave.

Nilibot niya ang tingin na parang hinahanap ako. Yes, ako lang naman ang may Young na lastname dito kaya sure akong ako ang tinutukoy ni Sir.

Nung nahanap niya ako, agad siyang umupo sa tabi ko. Pabalang niyang hinagis yong bag niya sa upuan at tumingin sa blackboard na parang walang pakealam sa mga taong nakatingin sa kaniya.

Sumimangot ako. He's not like this. He is not the same Sean. Yong Sean ngayon ay walang pakealam. Walang kinatatakutan. Cold. At parang laging galit? Or baka may problem lang?

Yong Sean kase dati ay mabait, palatawa, caring at friendly... hindi ganito. Hindi badboy. 

Umayos ako nang upo at tumingin sa kaniya. "Hello, Sean. Nice to see you again."

Hindi niya ako pinansin. Kahit tingnan or tumango... wala! As in, wala. Deadma lang siya. Snob is the perfect word to describe him.

I pouted my lips. Mamaya ulit. Baka busy siya sa pakikinig. Kase matalino siya eh. Focus talaga siya sa klase. Oo, baka yon nga ang dahilan. Right?

-  

"Class dismissed."


Aayusin ko palang yong bag ko nang biglang tumayo paalis si Sean. Ano ba nangyayari don? Galit parin ba yon sakin? Tsk.


Lumapit si Wendy at tumingin sakin nang masama. "Ano yon?"


"Anong ano yon?"


She rolled her eyes. "You know what I mean—" hinila niya yong bag ko at sinuot. "—bakit ka nagpapa-pansin don sa lalaking yon?"


I frowned. "Oy, hindi ah. Move-on na ako. Ikaw  talaga—" sabi ko at hinila yong bag sa kaniya. "—ano ba ginawa ko?"


She rolled her eyes again. "Kung makangiti ka kase... wagas."


"Huh?" Ako? Nakangiti? Hala. Di ko ata napansin yon? Pero... di nga? Pwera biro... totoo ba? Nakangiti daw ako?


"Kunwari ka pang hindi mo alam. Kahilig gumanon." That's Sky. Masungit yang bruhildang yan.


Nagsimula na akong naglakad kasama si Wendy, Sarah at Sky. They are my Best Friends... forever.  


My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon