Chapter 10

11 1 1
                                    

{ M A X I N E }









Hapong-hapo ako nang pumasok sa room. Paano, late na ako nagising. Gumayak pa ako tapos traffic pa sa daan. Siguro mga 1 hour na akong late. Second subject na nga namin eh buti nalang at wala pa yong teacher namin sa Filipino kaya dumeretso ako sa upuan ko.








Pagdating ko, may color pink na box sa itaas nang table ko. Kinuha ko yong maliit na card para tingnan kung para kanino ito. Para saakin yong box.









You're perfect. End of story.









Napangiti ako sa short message. Super short pala. Pero kahit ganon lang kaikli, kinilig ako. Kanino kaya ito galing? Binuksan ko yong box at may dalawang bear ito sa loob na color white and brown. May bouquet din ito sa loob.









Tiningnan ko si Sean na busy nanaman sa pakikinig nang music at nakapikit. Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sakin.









"What do you want?"









I gulped. Grabe, galit agad siya? Wala pa nga eh. Kakarating ko lang. "Uh— ano... ask ko lang kung kanino galing... ito?"









Tumingin siya sa box at tumingin pabalik sakin. "Dunno."









"Hindi mo ba nakita yong nagpadala nito?"









"No."

   






"Uh— sige." Sino kaya nagpadala nito? In fairness, favorite color ko yong lagayan. Kung sino man nagpadala nito, kilalang-kilala niya ako.








Umupo na ako nang dumating yong teacher namin. Sa lahat nang subjects, tatlo lang ang pinaka-ayaw ko. Unang una na doon ay ang Science. Kaloka nang mga atom, gravity, chemicals etc. Sumunod sa science ay ang Math. Pakealam ko ba sa geometries na yan. Kahirap nang math. Sakit sa ulo. And last, filipino. Ewan ko ba kung bakit hirap na hirap ako sa filipino. Like pandiwa na yan. Tapos yong maikling kwento. Hay ewan. Di naman ako nakikinig kaya wala akong alam sa tatlong subject na yan.








"Kid, pay attention. Surprise quiz." Sabi ni Sean sabay taas nang papel.









Ah... surprise quiz lang pala. Nako, madali lang ya— SURPRISE QUIZ? Ngayon? As in?









Kinuha ko na yong ballpen ko at binasa yong unang tanong. "Sino si Donya Victorina sa kwentong El Filibusterismo?" Donya Victorina? Sino yon? Halaaa. Hindi ko nga pala nabasa yong El Fili. Hmm. Teka...









"Who's Donya Victorina?" Napatingin kami kay Sky. Ang lakas kase nang boses eh.









"Miss Concepcion, halatang hindi mo binasa ang unang kabanata nang El Fili. Yong sagot ay andoon. Sa ibabaw nang kubyerta." Ayon! Buti nalang at may binigay na clue si ma'am..









Si Donya Victorina ay isang pilipino na nagpapanggap na espanyol.









Yes. May one point na ako. I'm sure, tama ako dun.









Makalipas ang isang oras, MAPEH na namin. Kaya dumeretso kami sa music room. Doon kase kami laging pinapa-punta kapag ganon subject na.   








My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon