{ M A X I N E }
"Announcement!—" Sigaw nang advicer namin pagkapasok. "—mayroon tayong libreng trip to Enchanted Island!"
Nagsi-hiyawan at nagsi-tayuan ang nga classmates ko sa narinig. Enchanted Island? Saan yon? Ngayon ko lang narinig yon ah?
Tiningnan ko si Sean na kanina pang hindi nakikinig. Paano, naka-headset. Tapos nakapikit at tumatango-tango pa.
"Uy, Sean!—" sabi ko sabay kalabit sa kaniya. "—alam mo ba yong Enchanted Island?"
Tinanggal niya yong headset niya at tumingin sakin nang masama. "What?"
I rolled my eyes. "Nothing."
Napaka-sungit. I swear, magkamukha sila ni Ezekiel. The eyes, nose and lips. Lagi ko tuloy naaalala siya. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Hmm. I wonder.
"Let's thank Mrs. Willson for the trip. Sila na ang magpo-provide lahat nang gagastusin natin. Kayong mga seniors lang ang pinayagan." Dugtong nang teacher namin.
Nagtaas ako nang kamay kaya napatingin saakin yong mga classmates ko. "Sir! Saan po yong Enchanted Island?" Tanong ko. Tumingin naman sila kay sir na parang naghihintay nang sagot.
Tiningnan kami lahat ni sir na parang naguguluhan. "Hindi nyo ba alam kung saan ang Enchanted Island?"
"Hindi po." Sabay-sabay nilang sabi.
"Kung alam ko yon sir, magtatanong ba ako?" Sarcastic kong sabi.
"Eh bakit kayo natuwa kanina nung sinabi ko? Eh hindi nyo naman pala alam kung saan?" Frustrated na tanong ni sir.
Napatawa naman ako sa naging reaction nang mga classmates ko. Akala ko ako lang ang nagiisang mang-mang dito. Hindi pala. Lahat pala kami. Kung makareact sila kanina akala mong alam nila yong lugar. Kaloka.
"Ang Enchanted Island ay isang beach. Sikat ito sa mga tao roon. Siguro 5-6 hours yong biyahe nito galing rito papunta sa entrance nang beach. Tapos sasakay tayo sa bangka para makatawid papunta mismo doon sa Enchanted Island. Mga 2-3 hours naman ang biyahe nun." Paliwanag naman ni sir.
"Bakit Enchanted Island po yong pangalan nang beach, sir?" Tanong ni Yani.
"Ah—" sabi ni sir na parang nagustuhan yong tanong ni Yani. "—kaya Enchanted Island kase parang gubat ang lugar na iyon. Walang malapit na island dito. Ang sabi nang mga nakakapunta roon, parang enchanted daw ang island na yon. At may nakakapagsabi na marami daw engkanto na naninirahan doon kase nga puro kakahuyan."
Kumunot naman yong noo ko. Engkanto? "Sir, naniniwala kayo doon?" I asked. Katanda na ni sir eh. Kahilig sa ganon. Ano akala niya samin? Kinder na naniniwala sa mga aswang, multo at engkanto?
He smiled. "Of course! Alam nyo bang may nanligaw sa lola ko noon na engkanto?" Proud na proud pa siya sa pagsabi.
"Weh?"
"Ayaw niyong maniwala? Itong mga batang to talaga."
Napairap ako sa pagiging childish ni sir. As if namang maniniwala kami sa kaniya? Engkanto? The eff.
"So, walang bahay doon?" Tanong ni Kris na nakataas pa yong paa sa table.
Tumango-tango naman si sir. "Yup! Kumabaga, tayo lang ang magiging tao roon maliban sa mga hayop sa gubat."
BINABASA MO ANG
My Super Cold Prince
Fiksi PenggemarNever expect. Never assume. Never ask. Never demand. Just let it be. If it's meant to be, it will happen. - My Super Cold Prince © 2016 by ohgreendale xx