Chapter 5

25 1 2
                                    

{ M A X I N E }



Halos araw-araw akong nagpapapansin kay Sean. Laging may chocolates at bouquets sa table niya. Kaso, laging nauuwi sa mga kabarkada niya.



Ako naman itong si Tanga, bumibili parin kahit alam kong sa iba niya binigay pagkauwi. Anong gagawin ko? Nagmamahal eh.



Kaso nakakapagod din pala? Yong laging rejected? Akala ko nung una, kakayanin ko. Hindi pala. Sa una lang pala yong madali. Pero habang tumatagal, lalong humihirap.



Hindi ko na din nakakasama sina Wendy, Sky, Sarah and Yani. Iniiwasan kase nila ako. Kapag lalapit ako sa kanila, maski isa, walang kumakausap saakin. Kahit titigan man lang, wala.



Kaya ako nalang din yong laging uumiwas. Para di na nila ako iwasan. Di na sila mahihirapan na lagi akong nakabuntot sa kanila na para bang hangin.



Wala na din akong kasabay pauwi dahil laging may practice si Christian nang basketball. Gabing-gabi na umuuwi. Lagi nalang ako nagluluto nang dinner niya para may makain siya pag-uwi dahil for sure, tulog na ako nun.



Nagalit sila saakin kase humahabol daw ako kay Sean. Na laging nakabuntot. Wala naman daw pakealam saakin yon. Mukha na daw akong desperada, tanga at katawa-tawa.



Hindi kase nila alam yong nararamdaman ko. Hindi nila alam yong sakit na dinanas ko. Ang alam lang nila, ay suwayin ako. Hindi nila alam kung ano ba talaga ang gusto nang puso ko.



Magkaiba kase kami. Mga bitter lang siguro sila kase mga walang lovelife. Dinadamay pa nila ako.



Nung mga nakaraang araw lang, napansin ko kung anong klase silang mga kaibigan. Sila ay judgemental. Lahat nang ginagawa ko, judge sila nang judge na akala mo ay kilalang kilala nila ako since birth.



Yeah. Maybe they know me. Pero hindi lahat. Hindi buo. Dahil hindi nila alam ang lahat tungkol saakin.



Ni hindi nga nila alam kung may kapatid ba ako or wala? May tatay ba ako o wala? May sakit ba ako o wala? Hindi. Hindi nila alam yon kase wala silang pakealam. Ang alam lang nila, ay mag judge sakin. 



Sinasabi nilang para rin daw saakin yon. Huh! Seriously? Kung totoong kaibigan sila, dapat sinusuportahan nila ako sa lahat nang gusto ko.



Sinisiraan din nila ako kay Sean. Yeah. I know about that. Sinasabi kase iyon ni Sean sa barkada. At sinasabi nila saakin. See? Ang sama nila! Akala ko totoo silang mga kaibigan, pero hindi. Mga plastic sila.



"Ano nanaman problema mo?"



Napatigil ako sa pagiisip nang biglang tumabi saakin sa sofa si Christian. "Wala."



Kinuha niya yong remote at pinaandar yong T.V at ngumisi. "Kilala kita. Oh ano na?"



Sumandal ako sa balikat niya at inihilig ang ulo sa balikat niya. "Wala na akong totoong kaibigan. Iniwan na nila ako."



Tinap niya yong ulo ko at sinubo yong popcorn sakin. "I'm here, Max."



"Eh... ang ibig kong sabihin, yong mga babae. Okay?"



Tumawa naman siya. "Hindi mo naman kailangan nang maraming kaibigan eh. Aanhin mo yong marami kung hindi naman totoo sayo, diba?"



Tumango naman ako dahil agree na agree ako sa sinabi niya. "Sa tingin mo, hindi sila totoong kaibigan?"



My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon