Chapter 9

18 1 0
                                    

Isang buwan na ang nakakalipas nang magbago ako. Hindi pagbabago nang itsura pero pagbabago nang ugali. Mas naging mature ako. Mas naging strong. Mas naging maayos. Hindi na ako yong Maxine dati na parang masaya lagi. Yong parang walang problema. Yong dating mang-mang. Mukhang tanga at desperada... nawala na sakin iyon.







Simula kase nung gabing iyon, ibinaon ko na ang mga memories ko kasama si Sean. Lahat ay unti-unti kong binibitawan. Lahat nang nakakaalala saakin kay Sean, itinago ko na. Kase the more na nakikita ko ang mga iyon, the more din akong hindi makakamove-on.







Sa isang buwan na iyon? Naging top ako. Kaya ko palang itaas ang sarili ko. Kaya ko palang maging ganito. Ang maging maayos at matalinong studyante. Halos lahat nang mga activities, sinasalihan ko na. Ngayon ko lang na-realized na ang laki nang kabawasan ang hindi pagsali sa mga school activities.







Sa isang buwan din na iyon, nagawa kong iwasan at hindi nagpaapekto kay Sean. Nakayanan ko. Nagawa kong hindi humabol sa kaniya. Nagawa ko ang mga payo nang mga kaibigan ko. Nagawa ko lahat.







Dahil sa pagbabago ko, hindi na ako si Ms. Friendly ngayon. Ako na ang kinikilalang Miss Perfect nang school. Nasa akin na daw kase ang lahat. Maganda, matalino, matangkad, maputi, sexy, mabait at sweet. Sumikat na rin ako dahil sa laging pagkapanalo ko sa mga activities.







Ang sarap pala sa feelings na marami ang humahanga sayo. Maraming tumitingala sayo. Napangiti ako sa naisip. Sa loob nang isang buwan, nagawa ko lahat.







"Why are you smiling?"







Andito kami ngayon sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Dito sa tulay. "Wala naman. May inaalala lang."







Tumabi siya at binigyan ako nang pineapple juice in can. "Akala ko nababaliw ka na."







Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Hindi naman. Siguro, minsan. Pero ngayon? Hindi. Matino pa."







Sa loob nang isang buwan, si Ezekiel ang katulong ko sa lahat. Siya ang tumulong saaking makalimot kay Sean. And thankful ako dahil ginawa niya iyon.







"How's school?"







Uminom ako bago sumagot. "Ayon—" inaalala ko yong nangyari kanina sa school. "—perfect ako sa quizzes namin. And nagawa ko yong mga bagong steps sa cheerdance. Okay naman lahat."







Napangiti siya sa balita ko. "Good for you. Habang tumatagal, nagiging maayos ka na. Ipagpatuloy mo lang Maxine."







Tumango ako at tumingin sa rumaragasang tubig. "Uh— may itatanong lang ako. May kapatid ka ba?" Matagal ko na itong gustong tanungin sa kaniya pero nakakalimutan ko din agad.







Ngumiti siya at tumingin sa malayo. "May iku-kwento ako. Gusto kong malaman mo ang lahat nang tungkol saakin."







Tumango ako at tumingin sa kaniya. Sa tagal naming magkasama, hindi niya pa nakukwento ang tungkol sa family niya. Isa si Ezekiel sa pinaka-special na tao sa buhay ko. At gusto ko ring malaman ang tungkol sa kaniya.







Huminga siya nang malalim bago magkwento. "Illegitimate child ako... my mom died because of cancer. Simula 'nun, kinupkop ako nang tatay ko pero may iba siyang pamilya."







Tumingin ako sa kaniyang mga mata. May halong lungkot at takot ang mga ito. "A-are you okay?"







"Oo naman." Sabi niya pero hindi siya nakatingin saakin. Sa malayo. Sa kawalan.







My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon