Chapter 8

15 2 0
                                    

Pagkatapos ihatid ni Ezekiel si Maxine, dumeretso na rin siya sa bahay nila para tapusin yong mga papers na pinapagawa nang daddy niya. Paakyat na sana siya nang biglang magsalita ang kapatid niya.



"Paano mo nakilala si Maxine?" May halong galit ang tono nito.



Bumuntong hininga si Ezekiel at humarap sa kapatid. "Hindi mo na kailangang malaman."



Sa sobrang galit, kinuha nito ang pinakamalapit na vase sa kaniya at inihagis kung saan. "I'm asking you, Ezekiel! Paano mo siya nakilala?!"



"You know what? I don't know kung bakit galit na galit ka sakin." Natatawa niyang sabi. "And I'm sure, lalo kang nagalit dahil kasama ko si Maxine!"



"Eh sino ang hindi magagalit? Alam mong akin si Maxine, Ezekiel."



Umiling-iling si Ezekiel at ngumiti. "Minsan mo nang nakuha ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko, Sean. Ngayon na may bago akong nahanap na magiging buhay ko ulit, wag ka nang mangealam."



Ang totoong nangyari noon ay nung susurpresahin ni Ezekiel si Rain, sinusundan ni Sean ang sasakyan nito. Hindi niya alam na kasama pala si Rain sa loob. Ang gusto lang ni Sean ay mawala ang kapatid niya. Dahil puro si Ezekiel nalang ang punupuri nang kanilang daddy.



Magkaibang nanay ang dalawang magkapatid. Nabuntis lang nang daddy nila ang mommy ni Ezekiel. May problema kase sa tiyan yong mommy ni Sean noon kaya hindi pwedeng mabuntis. 2 years na nung gumaling ito at nabuntis. Ang hindi niya alam, may anak na iba si Mr. Willson at dalawang taong gulang na ito. Namatay ang Ina ni Ezekiel sa sakit at kinupkop ito ni Mr. Willson. Nagalit si Mrs. Willson pero wala siyang magawa, anjan na si Ezekiel. Kaya Simula bata hanggang ngayon, bini-brainwash niya ang anak na si Sean. Kaya lumaki si Sean na may malaking galit kay Ezekiel. Kaya lahat nalang ay competition ang tingin niya dito.



"Hindi ko iyon sinasadya. Alam mo yan!" Sanay na ang mga katulong nila sa pagaaway nang dalawang magkapatid. Araw-araw kase nila nasasaksihan ang iba't ibang away nila.



Tumango si Ezekiel at ngumiti nang malungkot. "Sorry. Hindi ko din sinasadyang mahulog kay Maxine. Excuse me." Nagpatuloy sa pag-akyat si Ezekiel at naiwang galit na galit si Sean.



Tinawagan niya si Kenneth dahil ito ang nagsabi sa kaniya na magkasama si Ezekiel at Maxine.



"Bro..."



"Bantayan nyong maiigi si Maxine sa school. Wag na wag nyong hahayaang magsama sila ni Ezekiel. Naiintindihan mo?"



Nahahalata namang galit ang kaibigan kaya pumayag ito. "Makakaasa ka samin."



"At maghanda kayo, itutuloy natin ang laban."



"Sige."



Binalik ni Sean yong phone niya sa bulsa at pumunta sa kwarto niya upang magpahinga.



Ang hindi alam ni Maxine, ibang laban ang tinutukoy nila. Hindi iyon laban sa Basketball. Physical fight ito. At tama ang una niyang naisip. Parang gangster fight nga talaga ang laban na ito.

-

Gabi na nung natapos si Ezekiel sa kaniyang ginagawa. Bumaba siya at nadatnan niya na kumakain ang pamilyang di niya ninais na makasama. Pinagmasdan niya ang tatlong taong kasama niya sa malaking bahay na ito. Masaya sila at nagtatawanan sa di niya alam na dahilan.



Bumuntong hininga siya at lumapit sa mesa upang sumabay sa hapunan.



"Hey son. Let's eat." Sabi nang daddy nila at tumango si Ezekiel.



My Super Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon