Happy Valentines guys. Itaas ang bandera nang mga SINGLE jan. Magsama-sama po tayo. Hahaha.
-
Biglang nahinto ang pag talon ni Maxine sa bridge nang biglang may nagsalita sa likod niya. Yon na yon eh. Moment na niya yon eh. Biglang may pumigil?
"Stupid."
Kumunot ang noo niya at tiningnan kung sino ang nagsalita.
Isang lalaki na kaedad niya ang nagsalita. Sobrang gwapo nito pero binalewala niya lang kase tinigil niya yong moment na yon.
"Hindi sa lahat nang problema, suicide ang sagot." Sabi nito kaya napapupo si Maxine sa railings.
"Hindi naman ikaw yong magpapakamatay eh." Reklamo niya rito. "Ako naman."
Parang walang narinig yong lalaki kaya nagpatuloy ito nang pagsasalita. "Binigyan tayo nang magandang buhay, bakit natin aaksayahin?"
Tumabi na yong lalaki kay Maxine. "Ano ba problema mo?"
-
{ M A X I N E }Ano daw ba problema ko? Uh— marami. Obvious naman diba? Tsaka, hindi naman ako magpapakamatay eh. Sino ba nagsabi na magsu-suicide ako? Suntukan tayo! (-_-)
Inirapan ko siya. "Wag ka nga magtanong. Di naman kita kilala."
Medyo lumayo siya saakin at ngumiti. "Kanina mo pa nga ako kinakausap eh."
Tumingin nalang ako malayo. Mukhang mabait naman siya. Tsaka di siya mukhang rapist. Safe parin naman ako. Whoo~!
"So, what's your problem?"
I scoffed. "I have so many problems." Tiningnan ko siya at ngumiti. "Lahat naman nang tao maraming problema."
Tumango-tango naman siya. "Bakit ka ba magsu-suicide? Iniwan ka nang boyfriend mo?"
Feeling close naman itong lalaking ito. Pero gwapo, in fairness. "Anong iniwan? Hindi noh!"
"Eh ano nga?"
Pwede ko bang pagkatiwalaan itong lalaking 'to? Kung sabagay, mukhang hindi naman na kami magkikita nito eh. Sa sobrang dami ba naman nang tao sa mundo. Tsaka kahit ipagsabi niya man, di ako makikilala nang tao. Marami akong kapangalan.
"Okay. Sasabihin ko na. Wag ka maingay ha!—" sabi ko at medyo lumapit sa kaniya nang bahagya. "—at hindi ako magsu-suicide." I pointed out.
Napakamot siya sa batok niya. "Ang dami mong sinasabi. Ano na?"
Ay. Grabe naman. Kasungit niya ah? Nakikita ko tuloy yong mukha ni Sean sa kaniya. Medyo hawig eh. "Ang sungit naman nito. Ano ba gusto mong malaman?"
"Yong problema mo nga. Ang kulit nito."
Inirapan ko siya at huminga nang malalim. "Kase, ganito yon— gusto ko pa yong ex-boyfriend ko. So ayon, nagpapapansin ako sa kaniya araw-araw tapos nawalan ako nang mga kaibigan. Yon."
Umiling-iling siya na parang hindi naniniwala sa mga sinabi ko. "Short-cut yong story mo. Lahatin mo na. Nahiya ka pa."
I sighed. "Fine." Then I rolled my eyes. "Naghahabol nga ako diba? Eh yong mga kaibigan ko lagi nila akong jina-judge. Alam mo yon? Ang sakit lang. Tapos iniiwasan nila ako. Kawawa nga ako eh."
He chuckled. "Ikaw? Kawawa? Mukhang hindi naman."
"Kawawa kaya ako. Mukha lang akong masiyahin pero malungkot ako."
BINABASA MO ANG
My Super Cold Prince
Fiksi PenggemarNever expect. Never assume. Never ask. Never demand. Just let it be. If it's meant to be, it will happen. - My Super Cold Prince © 2016 by ohgreendale xx