Part 5 - Comfort

665 26 4
                                    

~~~Maria~~~


 Ilang araw ang makalipas simula noong mangyari 'yon, para na akong baliw dahil lagi akong nangingiti mag-isa kung saan ako abutan ng flashback n'ong payong scene namin ni Greg.


 Napapanaginipan ko pa 'yon pero malupit ang panaginip ko. Iba ang nangyayari ro'n.


 Nililigawan daw ako ni Greg.


 May isa, yinakap daw niya ako pagkatapos niyang magconfess sa akin sa ilalim ng patak ng mga ulan.


 At isa pa, hinalikan niya raw ako na hindi naman natuloy dahil ginising ako ni Mama.


 Inis na inis nga ako no'n kay Mama eh. Konti na lang eh! Ayun na eh! Maglalapat na 'yung natural pink lips niya sa dry lips ko! Tsk!


 Pero alam ko naman na hindi dapat ako masyadong magpakalunod sa nangyari lang na 'yon.


 Baka malay ko, pinanganak lang talaga siyang gentleman pero hindi ko na inisip 'yon.


 Ini-enjoy ko na lang muna 'yung masarap na feeling na 'to.


 Kinuwento ko rin nga pala kay Zoris 'yung tungkol doon.

 Kilig na kilig siya habang nakikinig sa kuwento ko pero pagkatapos, sabihan ba naman akong barbero.


 Grabe siya kiligin habang nagkekuwento ako tapos sa huli, hindi naman pala maniniwala.


 Simula din n'on, lagi na akong dumadaan sa department nila Greg.


 Nasilip-silip sa mga rooms... Nagbabakasakali na makita siya o makasalubong man lang pero hindi na ulit nagtagpo ang landas naming dalawa.


 Ni hindi ko siya makasalubong sa campus o sa cafeteria man lang.


 Ilang linggo ang lumipas at wala talaga. Hindi na umuulan.


 Habang lumilipas ang mga araw, mas lalo ko siyang gustong makita ulit kahit saglit lang.


 Makita 'yung gwapo niyang mukha... 'Yung cute niyang dimples na dumidisplay kapag ngumingiti siya at 'yung good boy niyang awra.


 Haaayyyy... Kailan ko kaya ulit siya makikita?


 Palabas na ako ng gate nang biglang pumatak ang ulan.

 Hindi naman malakas pero kailangan ko pa rin ng payong.


 Nagsitakbuhan 'yung mga estudyante para sumilong at sumilong din ako sa waiting shed sa labas.


 Napatingin ako sa ulan.


 Kung susugod kaya ulit ako sa ulan na 'to, darating ba ulit si Greg para payungan ako?

Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon