Part 8 - Slip of the Tongue

605 27 8
                                    

Tatlong araw ang makalipas...


  Papauwi na ako ngayon at papunta na sa terminal ng jeep na sinasakyan ko.


  Puyat na puyat ako kagabi sa paghapit n'ong project na ibinigay sa amin sa Bar management subject namin.


  Kaunti lang kasi 'yung time na ibinigay sa amin para tapusin 'yon o sadyang puno lang talaga ng katamaran ang lahat ng atoms ko sa katawan?


  Pero ito ang naging resulta sa paghahapit ko. Zombie mode.


  Ang bigat din ng eyebags ko na lalo lang nagpapasama sa itsura ko.


  Pero nakita ko na naman 'yung lolang tinulungan kong makatawid noon.


  Hirap na hirap siya sa mga dala niyang mga bayong.


  Naawa naman ako kaya agad akong lumapit sa kanya. "Lola, tulungan ko na po kayo."


  Napatingin naman siya sa akin. "Naku... Salamat ineng." Pinat niya pa 'yung ulo ko.


  Napangiti naman ako.


  Sinamahan ko siya hanggang sa makarating siya sa sakayan ng tricyle at ang bigat nga ng bayong niya.


  Bakit kaya wala siyang kasamang tutulong sa kanya?


  Buti na lang talaga at nakita ko siya ulit at natulungan.


  Isinakay ko na sa loob n'ong tricycle 'yong mga dala niya.


  Sumakay na rin siya.


  Tumingin siya sa akin. "Maraming salamat talaga, ineng. Pagpalain ka nawa."


  Nginitian ko siya. "Mag-iingat po kayo."


  Tumango naman siya at umalis na 'yung ticycle.


  Haaaayy...


  Ganito siguro 'yung nararamdaman ni Greg sa tuwing tumutulong siya.


  Kumirot na naman ang puso ko nang maalala ko na naman siya pero pinilig ko na lang 'yung ulo ko.


  Napabuntong hininga rin ako at pilit na ngumiti.


  Naglakad na ako papuntang terminal ng jeep na sasakyan ko.


  Buti at malapit lang sa pinaghatiran ko kay lola dahil gusto ko na talagang matulog.


  Pagkarating ko ng jeep, may nakaupo sa dalawang bungad n'on na paboritong-paborito ko pa naman na pwesto.


Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon