Part 2 - Announcement

817 27 5
                                    

~~~Maria~~~


Papasok na ako ng gate ng school ngayon at para akong ninja sa ginagawa kong mga hiding moves.


Nagdala pa ako ng balabal na kulay pink kahit kainitan ng sikat ng araw kaya para akong muslim na mata ko lang ang nakalabas.


Patago-tago ako sa mga pader na nadadaanan ko pati na sa mga poste at tinitingnan ang paligid dahil baka makita ko 'yung lalaking may cute na dimples na nasakluban ng lintik na panty ko sa ulo.


Panghapon 'yung sched ko ngayon sa isang subject namin kaya ngayon ako pumasok.


Nakapasok na ako ng campus ng ligtas at naglakad na ako habang yukong-yuko.


Pilit ko ring tinatakpan ng balabal ang mukha ko.


Hindi pa rin ako tumigil sa pagiging ninja ko at nagtatago ako sa likod ng mga malalaking halaman na nakatanim sa kung saan-saan dito sa school.


Tumingin ako sa paligid at mukhang lalo pa akong naging sentro ng atensyon dahil sa ginagawa ko kaya umayos na ako ng paglalakad.


"Eherm!" tikhim ko at inayos ko ang balabal sa mukha ko.


Naglakad na ako ng maayos pero nang mapatingin ako sa gilid ko hindi kalayuan ay nanlaki ang mga mata ko.


Mga lalakeng magkakabarkada na mga Engineering at masayang mga nag-uusap.


Nakapang everyday uniform sila.


Agad akong nagtago sa likod nitong malaking puno ng balete malapit sa akin at doon ako nagtago na parang isang kriminal na hinahunting ng mga pulis.


Kulang na lang ng wangwang, puwede na ang acting ko.


Hay! Teka nga! Puro kalokohan!


Dapat ko munang isipin kung pinagsabi na ba ni Cute dimples 'yung nangyari kahapon sa mga kaibigan niya.


Noooooooooo!


Malas pa, baka kumalat na sa buong department nila...


Tapos sa buong school...


Tapos sa buong pilipinas...


Tapos sa buong mundo at sa buong universe!


Huhuhu... Wag naman sanang gano'n.


Sinilip ko kung isa ba sa magbabarkadang 'yon si cute dimples at nakahinga ako ng maluwag dahil wala siya sa mga 'yon pero biglang may kumagat na napakasakit sa braso ko.


"Aray!" reklamo ko sa sakit n'on.


Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon