Part 1 - Parachute

1K 38 5
                                    

~~~Maria~~~

"Lalalala lala... Lalalalala..." pagkanta-kanta ko habang nagsasampay ng kada-dryer ko lang na mga damit ko. Saturday today kaya nakapaglaba ako.

"Maria! Hindi ka pa ba tapos magsampay riyan? Kakain na tayong dalawa!" sigaw na tanong sakin ni mama mula sa hagdan sa loob ng bahay.

Nasa terrace kasi ako ngayon dito sa second floor ng bahay namin. Dito talaga ako nagsasampay dahil nandito iyong tapat ng sikat ng araw.

Wala namang masyadong nadaan sa eskinita sa baba dahil hindi masyadong gamitin iyon kaya ayos lang na rito ako magsampay.

"Saglit lang ma! Matatapos na ko!" sagot ko sa kanya at narinig ko ang yabag ng pagbaba nya ng hagdan.

Dalawa lang kami rito sa bahay. Only child ako at nangapit bahay na iyong papa ko pero hindi na bumalik kaya kami na lang ni Mama yung magkasama.

Nagpatuloy na ako sa pagsasampay gamit ang clothes fork na hawak ko. 'Yung mahabang bakal na parang may letter U sa dulo na ginagamit para magsampay.

Isinampay ko na yung hanger na maraming sipit sa kawad. Nakaipit doon 'yong mga underwears ko. Nilinisan ko yung mabuti dahil napakaimportante sa akin ng personal hygiene.

"Maria, bilisan mo na! Kumain na muna kasi tayo!" sigaw na naman ni Mama mula sa baba.

"Eto na ma!" Nagmamadali na ako dahil siguradong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako bumababa. Isinandal ko sa balikat ko 'yung clothes fork na hawak ko dahil sobrang haba n'on na hindi kasya sa pinto.

Pumihit na ako papasok ng kwarto ko dahil kwarto ko 'tong second floor pero narinig ko 'yung paggalaw ng mga hanger na nakasampay na para bang may natanggal na kung ano roon.  Narinig ko kasi 'yung tunog na parang may damit na nahila sa sipit kaya lumingon ulit ako roon.

Napansin ko na parang may lumipad sa baba kaya dumungaw ako sa terrace kung ano 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano 'yon.

Shocks! 'Yung PANTY ko!

'Yung kulay violet pa! Hinahangin pa 'yon na parang parachute dahil mahangin ang panahon ngayon.

May nakita akong padaan na isang lalaki. Napasinghap ako nang sumaklob saktong-sakto sa ulo niya 'yung p-p-panty ko kaya napatigil siya sa paglalakad.

BLOODY HEEEEEEEEECK!

Inalis niya 'yon sa ulo niya at kunot na kunot ang noong tiningnan 'yon. "Ano 'to? Panty?" tanong niya sa sarili niya.

Dahil doon, nabitawan ko 'yung clothes fork na hawak ko dahil lumipad na paalis sa katawan ko ang kaluluwa ko. Sa kasamaang palad, kumalansing 'yon sa tiles naming sahig kaya napatingin siya rito sa taas habang hawak pa rin 'yung panty ko.

Biglang nag-init ang magkabila kong pisngi at ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa kahihiyan kaya nagtago agad ako.

H-h-h-hawak niya 'yung panty ko!

"Crap! What to do? What to do? I'm freakin' dead, right? Ang toyo naman kasi ang katangahan ko! Nakakahiya ka Maria! Nakakahiya ka!" kausap ko sa sarili ko habang sinasapok ang ulo ko ng malakas.

Agghhhhhhhhh! Kailangan kong maghahybernate for 100 years para paggising ko, wala na sa mundong 'to 'yung lalaki sa baba at ang kahihiyang ginawa ko!

"Maria! Bahala ka na nga riyan kung ayaw mong bumaba! Kakain na ako!" sigaw na naman ni Mama mula sa baba kaya naging bato agad ang katawan ko nang banggitin niya ang pangalan ko.

Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon