Last Chapter

778 32 13
                                    

  "Mahal mo ako?" hindi niya makapaniwalang tanong.


  Shet panset!


  Nagulumihan ako ng sobra sa biglaan kong pagcoconfess sa kanya at naging malikot ang mga mata ko para makahagilap ng sasabihin.


  "Uy. Sabi ko, kung mahal mo ako?" untag niya.


  Nanlaki naman ang mga mata ko. "H-Hindi, 'no! 'W-wag mo nang intindihin 'yung sinabi ko..." Nagkukutkot ako ng kuko ko sa kaba na nararamdaman ko ngayon.


  Letche! Ang hirap bawiin!


  Bwisit kasi 'tong madulas kong dila!


  Tiningnan ko siya at may pagtatanong pa rin sa mga mata niya.


  Halatang hindi siya naniniwala sa pagdeny ko kanina.


  Napahinga ako ng malalim.


  Hay! Sige na nga!


  Bahala na!


  Mas magandang sabihin ko na sa kanya 'tong nararamdaman ko kaysa pagsisihan ko pa sa huli.

  Wala na eh. Nadulas na rin naman ako.


  Kahit na mapahiya na naman ako sa kanya sa gagawin kong 'to, okay lang. Dadagdag lang 'yon sa isangkaterba kong kahihiyan na nakita niya sa akin.


  "Oo, Greg... Mahal kita. Nafall ako sa pagiging gentleman mo at sa kind gestures mo sa akin." pag-amin ko.


  Naglakad ako palapit sa kanya.


  Nakatitig lang siya sa akin at nagwawala na ang puso ko sa loob ng ribs ko.


  "Noong pinayungan mo ako no'ng time na umuulan at wala akong payong... Simula no'n, minahal na kita... ng sobra but when I saw you helping a girl and showing her your kindness and gentleness like how you showed it to me, it really broke my heart kaya umiiyak ako noon. Noong nasalubong pa kita at tinanong mo ako kung bakit ako umiiyak, gustong-gusto kong isumbat sa 'yo ang sakit na nararamdaman ko no'n dahil pafall ka sa mga assumerang tulad ko." dere-deretso kong sabi habang walang ring tigil ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


  "And now, mayro'n ka na namang ipinakitang gesture sa akin na magpapafall na naman sa akin sa 'yo. Ngayong nalaman mo na ang sagot sa tanong mo kanina, ano nang gagawin mo?"


  Ang lamig lamig ng kamay ko at daig ko pa ang malapit nang tawagin para sa recitation sa math dahil sa kaba na nararamdaman ko sa magiging sagot niya pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.


  Niyakap niya ako... ng mahigpit.


Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon