Part 4 - In Love

605 24 4
                                    

 "Cute dimples?!" nabigla kong tawag sa kanya.


 Nakatingin lang siya sa akin at ako naman, nanlalaki pa rin ang mga mata dahil sa hindi pagkapaniwala.


 Napakagwapo niya pala kapag ganito kalapit.


 Ang kapal ng pilik mata niya tapos ang kinis-kinis ng mukha niya na parang never nadampian ng alikabok.

 'Yung mga mata niya, parang black hole na hinihigop ang buo kong pagkatao tapos 'yung matangos niyang ilong na bagay na bagay sa napakagwapo niyang look. Grabe.


 Sa lips niya naman ako napatingin.


 Blooody pink!


 Natural pa!


 Kabog ang lips kong dry at chapped!


 "Huh?" nagtatakang tanong niya dahil sa pagtawag ko sa kanyang cute dimples.


 Doon, napabalik ako sa sarili ko at napatitig ulit ako sa mga mata niya.


 Craaaaaaappp! Tinawag ko siyang cute dimples... ng harap-harapan!


 Okay... Kahihiyan part hindi ko na mabilang!


 "A-Ahh... ehh... Wala." Iniiwas ko na ang tingin ko at alam kong nangangamatis na ang mukha ko sa pagkahiya.


 Napaisip ako.


 Kilala niya kaya ako sa mukha?


 Naaalala niya pa kaya 'yung shameful thing tungkol doon sa panty ko kahit lagpas dalawang buwan na ang lumipas?


 Bigla tuloy akong napayuko at pilit na itinatago ang mukha ko.


 My gosh! Sasabog na ang utak ko dahil nao-overload na 'yon sa mga tanong.


 Dahil sa naalala kong 'yon, agad akong lumayo sa kanya kaya nababasa na naman ako ng ulan.


 "S-sige. U-una na ako." Naglakad na ako paalis at di ko na siya nilingon.


 Kailangan ko siyang malayuan!


 Baka kasi maalala niya na ako 'yung Maria Liliw na may-ari n'ong pantyng violet na sumaklob sa ulo niya!


 Hyaaaahhhhh! Ayokong mangyari 'yon!


 Pero hindi ko na naman naramdaman 'yung patak ng ulan sa akin kaya napatingin ako sa tumabi sa akin.


 Siya ulit na nakangiti sa akin.


 Nakangiti?! Sheeeet! Ang wafuuuu!!! Nakakapanglaway!

Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon