Part 7 - Ill Fated

513 30 5
                                        

   Simula nang nangyari 'yon, hinding-hindi na ako dumaan pa ulit sa department ng Engineering. Balik ako sa pag-ikot papuntang Marine at Crim department para makarating sa CIHM (College of International Hospitality Management) department namin.


   Lagi ko na siyang nakikita sa Cafeteria at pag-uwian pero sobra-sobra naman ang ginagawa kong pag-iwas at pagtago sa kanya. Kung kailan naman ayoko siyang makita, saka siya parang damong sumusulpot kung saan-saan.  Tsk.


   Nasa library ako ngayon at nagtitingin-tingin lang ng librong puwede kong mabasa.  Katatapos lang ng klase namin at ayoko pang umuwi.  May gagawin rin naman ako rito na assignment kaya rito ako dumeretso.


   Ako lang mag-isa ngayon dahil may kasamang iba si Zoris na tagaclub nila at busy sila sa kung ano bang activity 'yung ginagawa nila kaya ito na naman ako. Loner.


   Haaaaaayyyy...


   Nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko si Greg at 'yung malaassumera kong peg kaya kapag nagsisimulang magflashback 'yon sa isipan ko, pinipilig ko agad ang ulo ko para alisin 'yon. Ayokong torturin ang sarili ko.


   Nagtitingin ako ng mga libro at hinahanap ko 'yung title ng book na kailangan kong kunin. May coding naman 'yung mga books kaso magugulo 'yung pagkakasalansan kaya kailangan ko talagang hanapin pa 'yung libro saka yung number code bago ko 'yon makita.


   Balahura kasi 'yung mga gumagamit nito at hindi binabalik ng maayos tapos yung librarian siguro rito eh tinatamad nang mag-ayos nang mag-ayos.


   "Hmmmm... Bar Managament book... Bar management book..." Iniisa-isa ko ng tingin ang mga librong dinadaanan ko. Hinahawakan ko pa 'yon ng kamay ko para hindi ako malito.


   "Oo nga eh. Ang hirap n'ong quiz natin." narinig kong sabi ng isang boses na kilalang-kilala ko kung sino kaya napatingin ako sa gilid ko.


   Nanlaki ang mga mata ko at nagsimula na namang maging abnormal ang tibok ng puso ko nang makita ko kung sino 'yon.


   Crap! Si Greg!


   Papaliko na sila rito sa pwesto ko at may kasama siyang babae. Masayang-masaya silang nag-uusap.


   Sa sobrang pagpapanic ko, tumalikod agad ako para taguan sila pero bumangga ako rito sa bookshelf ng malakas kaya umuga 'yon.

   "Ahhhhh!" sigaw ko.


   Nagbagsakan sa akin ang mga libro sa itaas at napaupo ako. Ang sakit n'on sobra dahil may tumatama sa ulo ko na makakapal na libro pero buti at kaunti lang 'yon. Naalog tuloy ng sobra ang tuyot kong utak.


   "What's that?" narinig kong tanong ng mga tao.


   "Aray aray aray..." daing ko saka ko hinawakan ang ulo ko dahil sa sakit n'on. Pagtingin ko sa akin eh para na akong prinsesa ng mga libro sa dami ng librong nakapalibot sa akin.


   "Maria?" tawag sa akin ng isang taong pinakahuling gusto kong makakita sa sitwasyon na 'to.


   Napatingin ako sa kanya at naluluha na ako. Hindi lang sa sakit ng ulo at katawan ko kundi dahil sa panibagong kamalasan na naman na nakita niya sa akin.


   Puno ng pag-aalala ang mga mata niya.


   Agad niya akong nilapitan at inalis ang mga librong nakapatong sa binti ko. "What happened? Bakit nalaglag sa 'yo 'tong mga librong 'to?"


   Nakatingin lang ako sa kanya at napakagat ako ng labi para impitin ang pag-iyak ko.


   Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito.


   Nag-aalala ring nakatingin sa akin ang babae niyang kasama. Maganda 'yung babaeng 'yon at maputi. Siguradong girlfriend niya siya. Walang-wala man lang ako kung ikukumpara sa kanya.


   "Nasaktan ka ba?" tanong sa akin ni Greg kaya napatingin ulit ako sa kanya.


   Napatitig ako sa mga mata niya at napatingin din siya sa akin.


   "O-Oo Greg. N-Nasaktan ako. Sobrang s-sakit nga eh..." Tumulo na ang mga luha ko na ramdam na ramdam ko sa pisngi ko.


   Lalong nabakas ang pag-aalala sa mga mata niya. "Sige. Dadalhin kita sa clinic."


   Hinawakan niya ang kamay ko pero tinabig ko 'yon. "I don't need your pity neither your kindness. Hindi ko kailangan ng mga 'yon." madiin na sabi ko sa kanya.


   Tumayo na ako. Naramdaman ko na nahilo ako pero hindi ko 'yon pinahalata. Naglakad na ako paalis habang takip-takip ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko.


   Pinadaan ako ng mga nagkukumpulang mga estudyante na nanonood sa amin kanina.


   "Maria!" tawag niya sa akin.


   Nasalubong ko 'yung librarian.


   Ngunot na ngunot ang noo niya. "What's the commotion all about there? Is something happened?"


   Yumuko ako sa kanya nang kaunti. "Sorry, Ms..."


   Nginitian ko siya kahit na patuloy na nadaloy ang mga luha ko sa pisngi ko saka lumabas na ako ro'n sa lugar na 'yon.


   Ako si Mariah Liliw... and I think, Greg and I are really ill fated.


   We shouldn't had met from the start so my heart will not be as painful as today.


Ipagpapatuloy...


Lapburapel

Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon