Part 3 - Ulan

610 26 2
                                        

~~~Maria~~~


 Dalawang buwan na ang lumipas simula noong huling pagkakakita ko roon kay Cute dimples.


 Paano ko siya hindi makikita eh iwas na iwas ako sa department nila na akala mo eh may sumpa ang lugar na 'yon.

 Madadaanan kasi 'yon kapag sa department na namin ako papunta pero umiikot pa ako papuntang department ng Criminology saka Marine para lang maiwasan ko 'yon.


 Uwian na ngayon at kamalas-malasan eh umuulan ng pagkalakas-lakas.


 Nandito ako ngayon sa waiting shed sa labas ng gate ng Peachy University at nakatanga lang sa malakas na pagbuhos ng ulan.


 Hindi naman kasi ako nakapagdala ng payong dahil hindi ko naman inakalang uulan ng ganito kalakas ngayon.


 Napatingin ako sa mga estudyanteng mga nakapayong.


 May mga magkakaibigan na nagsusukuban, magsyota, magtatay, magnanay at mag-isa.


 Ako? The latter.


 Absent si Zoris eh.


 'Di ko nga alam kung anong nangyari sa gagang 'yon at isang linggo nang absent. 'Di man lang ako binabalitaan kung buhay pa ba siya.


 Wala rin naman akong boyfriend o ano dahil certified NBSB ako.


 Well, it's a chance, not my choice.


 "Haaaaayyyy..." buntong hininga ko at kasabay n'on ang pag-ihip sa akin ng malakas na hanging napakalamig at may moist ng ulan.


 Tsk! Paunti na nang paunti 'yung mga estudyante ngayon at may ilan pa ring nakikisilong din dito sa waiting shed.

 May ilan na ang sumusugod sa ulan at hindi na inintindi na mababasa sila kaya naisipan kong gano'n na lang din ang gagawin ko.


 Kanina pa kasi ako nag-hihintay na tumila 'tong ulan na 'to pero lalo lang lumalakas.


 Bahala na nga!


 Kayakels ko na 'to.


 Itinakip ko 'yung kamay ko sa ulo ko, as if na makakatulong 'yon para hindi ako mabasa tapos sumugod na rin ako sa ulan.


 Parang may bagyo na yata sa lakas ng ulan na 'to pero nagulat ako nang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa pagtakbo.


 Doon ay hindi ko na nararamdaman ang pagbagsak ng ulan sa balat ko.


 Napatingin ako sa kung sino tong humawak sa braso ko na pinapayungan na pala ako ngayon gamit ang isang dilaw na payong.


 Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino 'yon.


 "Cute dimples?!"


 Ito ang ikatlo naming pagkikitang dalawa.


 Ako si Maria Liliw at kaharap ko ngayon ang isang napakagwadong nilalang na 'to.


 Pigilan n'yo ako!


 Baka mawala ang pagkademure ko at sunggabin ko siya bigla!


 Rawr!



Ipagpapatuloy...


Lapburapel

Luckless to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon