Chapter 18

17 1 0
                                    

Isabelle's POV
Nakwento na samin ni Soni yung nangyari kahapon. Naawa naman kami at di namin kung san sila nakatira na.

"So Soni, san na kayo nakatira? Nakahiwalay na talaga kayo sa Step mom mo at kay Hazel?" tanong ni Isabelle.

"Oo eh. Nagrent si daddy ng apartment. Ok lang kahit maliit lang." sabi ni Soni,

Nakakaawa si Soni. Sana makatulong ako.

"Kenneth alam mo bang may gusto un si Hazel sayo? Nagiging mabait lang yun sakin kapag magpapalakas sya sayo." pagbubunyag ni Soni.

"Ang kapal talaga ng mukha ng kapatid mo! Ay sorry, STEP BRUHA SISTER pala. Bat di mo sinabi agad? Sana nabanatan natin! Nasan na ba yun? Teka nga!" sabi ko na patayo na. Pinigilan naman ako ni Kyle.

"Yaan mo na yun. So Kenneth, pano ka magrereact sa sinabi ni Soni? Teka. Alam mo ba na may gusto sayo si Hazel?" tanong ko.

"Di ko naman alam na gusto pala ako ni Hazel. Pero di ko naman sya gusto eh." simpleng sabi ni Kenneth.

"Eh sino bang gusto mo?" tanong ni Soni.

"Ikaw." bulong na rinig ko ha!

"Ano? Ako?" nabigla si Soni.

"Ahh... Hindi. Ang ibig nyang sabihin, ikaw ba? Sino?" pagtatanggol ko kay Kenneth.

"Oo yun nga." sabi ni Kenneth.

Soni's POV
"Ahh... Si ano... Si Gabe." simpleng sabi ko.

"Weh??!!" biglang sabi ni Isabelle.

"Oh ok na? Kyle, may nakwekwento ba sayo si Gabe kung sinong gusto nya?" tanong ko.

"Oo." yan lang sagot nya sakin.

"Ano?!?!?! Sino daw?" nakasigaw na tanong ko.

"Soni di ko pwedeng sabihin. Gusto ko kasi sa kanya mismo manggaling. Di ko naman papakialaman yung diskarte nya." sabi ni Kyle.

"Ang loyal nya noh? Sana ganun ka din sakin. Dejk. Hahaha." sabi ni Isabelle.

Hayy... Buti pa sila. Ang sweet nila... Kelan kaya ako magkakaganyan?

"Oo naman Isabelle. Ganun ako sayo. Kasi ganun kita kamahal." sabi ni Kyle.

"Aaaaayyyy! Enebeyen! Wag nga kayo dito! Nadadamay kami sa mga langgam! Pati kami nilalanggam! Alis na! HAHAHA." sabi ko na pasigaw sa kanilang dalawa.

*Paakyat na kami ng room*
*Nasa classroom na*
*Discuss, discuss, discuss...*

"Okay class dismissed." sabi ng prof namin.

*Pababa na ko ng matapilok ako sa stairs*

"Aray! Ung paa ko!" sabi ko.

Nakita naman ako ni Gabe kaya tinulungan nya ko.

"Oh! Anong nangyari sayo?" tanong nya sabay tulong sakin sa pag tayo.

"Natapilok kasi ako eh." sabi ko nalang.

"Lika dalhin kita sa clinic." sabi nya.

"Kaya ko bang maglakad?" tanong nya.

"Oo ata." sabi ko nalang.

Bigla naman nyang pinatong yung braso ko sa balikat nya.

"Aalalayan na kita." sabi nya.

"Aray! Di ko ata kaya maglakad!" sabi ko.

Nagulat ako kasi bigla nya akong binuhat, *bride style*.

"Huy! Ibaba mo nga ako!" sabi ko.

"Di ba di mo kayang maglakad? Kaya binuhat nalang kita." sabi nya.

Ang sweet nya! Bango pa!

Pagkadating naman namin sa clinic, tinawag nya naman si Isabelle. Magkasama pala yung dalawa. Kaya silang dalawa yung pumunta.

"Oh? Anong nangyari sayo? Tanga tanga mo kasi eh! HAHAHA" sabi ni Isabelle.

"Nang asar pa oh!" sabi ko nalang.

"Bakit ka ba kasi natapilok?" tanong ni Kyle.

"Baka kasi stairs yun noh? At di ko nakita na may isa pa pala." sabi ko.

"Buti nalang nakita ka neto ni Gabe." sabi ni Isabelle.

"Oo nga eh. Thank you ah." sabi ko.

"Wala yun." sabi nya.

"Yiiieee! Hart hart!" pang aasar ni Isabelle.

"Oy Gabe! Sino ba talagang gusto mo? Kasi kanina tinanong ni Soni kay Kyle kung sinong gusto mo. Tas sabi naman neto ni Kyle na mas mabuting ikaw nalang daw magsabi. So sino nga?" tanong ni Isabelle.

"Ay ayan na pala si Nurse oh. Kamusta na po ung paa ni Soni?" pag iiba ng topic ni Gabe.

"Ahh... Nothing to worry. Tapilok lang naman yung nangyari sa kanya." sabi ni ate nurse.

"Ayun. Ok ka naman pala eh. Lika na!" sabi ni Isabelle.

"Wait lang. Dahan dahan lang muna Soni sa pag lalakad ah. Baka lumalala yang tapilok mo." bilin ni ate nurse.

"Opo. Eto kasi eh! Makahila! Ayan nalang hilahin mo oh! Si Kyle! Mamaya muna ako. Magpapahinga muna ako jan sa bench." sabi ko.

"Samahan na kita." sabi ni Gabe.

The Circle of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon