Chapter #) - Somewhere -

2 0 0
                                    

Someone's POV~

Nagugutom na ko. Hindi niya ba ako hahatiran ng pagkain? Nakakadalawang araw na at wala parin na pagkain ang nahahatid dito sa aking kulungan. Balak niya ba talaga ako pahirapan? Buti na lang at nagtira ako ng tubig para at least mapawi man ang gutom ko. Kamusta na kaya ang mga anak ko? Sana alagan ni Ron ng mabuti ang mga anak ko.

"H-hoy!! Nagugutom na ko!" sigaw ko kahit medyo paos na yung boses ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na sigaw yun. Napabuntong hininga ako. Hindi ko aakalain na magagawa niya sa akin to. Ilang taon na rin ba ako nandito? Ilang beses ko na rin nagtangkang tumakas dito sa piitan na kinalalagyan ko. "Mamamatay ako sa gutom! Pahatid naman ng pagkain oh!"

Mga ilang sandali ay may dumating din sa wakas na nilalang para hatiran ako ng pagkain. Tila ibinagsak niya lang ang tray ng kilalagyan ng pagkain ko na halos muntikan nang matapon. Ang tanging nagawa ko lang ay tingnan siya ng masama sapagkat sa sitwasyon ko ay wala akong magagawa. Nginitian lang ako ng loko at umalis. Pagtalaga ako nakalabas dito, sisiguraduhin ko na mapapatay ko siya.

Tiningnan ko ang pagkain na hinatid sa akin. As usual ay kakapiranggot lang na kanin at maliit na tuyo. Eto naman lagi ang ibinibigay sa akin. Hindi pa ko nasanay. Napabuntong hininga na lang ako at kinain rin. Noon masasarap lang na pagkain ang nakakain ko. G@go talaga yung lalaking yun! Hindi ko maiwasan na hindi magalit. Hindi niya lang ako pinaparusahan physically ay napaparusahan din ako mentally!

Iniisip ko ang mga anak ko. Sigurado hindi na ko kilala ng bunso ko. Ewan ko naman kung galit parin sa akin ang panganay ko. Hindi, siguro ay kinamumuhian niya na ako. Hindi ako naging mabuting ama sa kanila at ngayon ay nangungulila na siguro sila. Napabuntong hinga ulit ako.

Ang tanging paraan ko lang para makaligtas ay nakasalalay pa sa taong may galit sa akin. Alam ko hanggang ngayon ay galit siya sa akin sa salang hindi ko naman ginawa. Hindi naman ako yung may kagagawan nun. Hindi ako masamang tao...

"Hindi ako masamang tao." Ulit ko. Siguro noon oo nung nakasama ko siya. Pero agad naman akong naliwanagan at bumalik sa dati. Narealize ko ang mga masasamang ginawa ko. Naging sakim ako sa pera, kapangayarihan at nasilaw ako sa kasayahan na natagpuan ko sa masasamang gawain na yun. Ayan tuloy, nahiwalay ako sa mga anak ko. Eto na siguro ang karma ko. Pero hanggang kailan ba ko dito? Napagsisihan ko na...

Sana pala ay hindi ako nagtiwala sa kanya. Siya naman talaga ang nanghawa ng kasamaan sa akin eh. Hindi ko naman sinasadya na mapadala sa kasalanan. Napabuntong hininga naman ako at napatingin na lang sa madilim at maruming dingding ng bilibid na ito. "May makakaligtas pa ba sa akin?"

Narinig ko ang tawa ng isang lalaki. At alam ko kaagad kung kaninong boses iyon. Nilingon ko siya habang nanlilisik ang mga mata ko. Napakapit ako sa mga rehas ng may buong diin. Nakita ko lang ang mala demonyo niyang ngiti sa labi.

"Oh! Kung nakakapatay lang ang tingin, siguro nakabulagta na ko sa lapag." May halong biro sa kanyang pagsasalita.

"Sana nga para mapatay na kita!" galit na sigaw ko.

"Oh! Easy lang. Sa mga tingin mo para kang makakapatay! Hahaha! Baka magkakatotoo na yung ibinibintang nila sayo." I gritted my teeth. He's pissing me off! Masnapapahawak ako sa rehas ng madiin.

"Hanggang kailan mo ba ako ikukulong dito?!" Inis na bulyaw ko.

"Siguro pagtapos na ang proyekto. Hindi naman agad-agad nagagawa ang isang katulad niya, kailangan niya ng mahabang proseso at pagsasanay." Nakangiting sabi niya na parang walang masama ang sinasabi niya.

Ignore me if you can!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon