Chapter ^ - Pain of the Wasted Trust -

15 0 0
                                    

Napatigil ako sa pagtatakbo at hinayaan ko lang na mabasa sa ilalim ng ulan. Umiiyak ka rin ba Rena? Sinasamahan mo rin ba ako umiyak? Nagsisisi ka ba na siya ang minahal mo ng tunay at hindi ako? Siguro oo? Alam ko Rena.... Alam ko... Alam kong hindi mo ko kinaibigan dahil sa gusto mo ako maging kaibigan... gusto mo lang ako gamitin para mabuhay ka, na magsurvive ka. I know it form the start. Unang-una pa lang ay alam kong mangagamit ka. Alam ko yun, hindi ako ganun kamanhid para hindi maramdaman yun. Pero martyr lang ako dahil hinayaan kita. Lahat ng pinakita mo sa akin ay hindi totoo... pero masaya ako dahil kahit papaano ay naramdaman ko kung paano magkaroon ng isang bestfriend. Siguro yung nangyari sayo ay karma? Pero kahit ganun hinayaan ko ang sarili ko na mahalin ka ng tunay... na mashigit pa sa kaibigan, kapatid... kundi minahal kita na mashigit pa dun... alam ko.... lesbian ako...dahil lang naman sayo yun eh. Ha! Nakakatawa... nakakatawa ang pagkamartyr ko o sadyang katangahan lang tawag doon.

Grabe ang ulan... ang lakas.

Bakit nga uli ako tumakbo kanina? Diba dapat pinatay ko na yung g*gong yun? Diba dapat pinaghihiganti na kita? Gagawin ko ba ito para sayo? Gagawa ba ako ng masama para lang sa isang patay at manggagamit na tulad mo? Magiging Masaya ka ba kung gagawin ko to? Eh ako sasaya kaya o magdudusa? Eh ikaw Rena inisip mo kaya kung papaano ako sasaya? Teka parang mali ata yun... ginamit mo lang ako para sa sarili mo so imposibleng nag-isip ka sa ibang tao kundi sa sarili mo at ang nakaraan mo.

Tumingala lang ako at dinadama ang bawat pagpatak ng ulan sa katawan ko.

"MIRAI!!!!" napalingon ako sa likod ko kung sino ang sumigaw. Si Kino tumatakbo papunta sa akin na may dalang payong kaso binitawan niya rin ito. Nangbiglang may narinig akong busina sa harap ko.. Nakita ko ang isang sasakyan na humaharurot. Sa pagkabigla ko ay hindi ako nakagalaw at napapikit na lang ako. Hinihintay ko ang pagtama ng kotse sa katawan ko.

Wala akong naramadaman na sakit kundi ang pagbagsak ko sa daan. Napamulat ako ng mata at nakita ko na yakap yakap ako ni Kino.

"K-kino?" laking gulat ko na may sugat siya sa braso at nagdudugo. Kumalas siya sa yakap at tiningnan niya ako sa mata nang may pag-aalala.

"ANO BANG GINAGAWA MO SA GITNA NG DAAN NAKATULALA HAH?" galit nag alit na sabi niya.

"A-ano kasi e—"hindi ko pa nga tapos sinasabi ko ay sumabat na siya na may pag-aalalang mukha.

"ALAM MO BANG DELIKADO YUN?!!" yan, yan ang sabi niya.

"A-alam ko kaso a-ano eh—" (=__=) Ayan na naman siya.

"ALAM MO NAMAN PALA EH! HUWAG KA NGANG TATANGA-TANGA! PAANO KUNG NASAGASAAN KA?? PAANO KUNG NAMATAY KA HA?!!!" Ang sakit naman makapagsalita to. Tsaka hindi naman ako namatay eh, niligtas niya ako diba? Parang gusto niya ata ako patayin eh. De joke lang, alam ko naman na concern lang siya sa akin eh. Tapos niyakap niya ako ng mahigpit at kumalas tapos tinitigan niya ako sa mata. "Wag mo na uulitin yun okay?"

Napatango na lang ako. Tinayo niya ako at kinuha yung payong niya at bumalik sa akin. Minsan nagtataka ako kung bakit ang bait bait ng mga tao sa akin. Minsan nag-aalinlangan ako na maniwala sa mga kabaitan na pinapakita nila. It's either na ginagamit nila ako, pinagtitripan o talagang totoo. Pero alam kong mahirap makahanap ako totoo.... mahirap umasa na totoo sila lalo na kung nagtiwala at minahal mo na sila. Mahirap magtiwala....

Minsan iniisip ko na masmabuti pa ata na mamatay na lang ako kaysa sa huminga at bugbog ng nakaraan at sakit ng mga trato ng tao sa akin.

"Mi-mirai? Ba't ka umiiyak?" hindi ko namalayan na umiiyak ako, tsaka paano niya naman namalayan eh basa kaya ako ng ulan. Bigla na lang dumilim ang paligid at hindi ko na alam ang sunod na mga nangyayari o kung anu ang mga pinaggagagawa ko.

Ignore me if you can!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon