Chapter % - Our Past -

10 0 0
                                    

Naiinis ako... *sniff* nagagalit ako.... kung alam ko lang... noon ko pang.... noon ko pa sana....

~FLASHBACK~

Wow ah.. Medyo dumami ata mga tao sa library ngayon.. kung sabagay malapit na rin kasi exams ngayon eh... HAHAHA! Since tapos na rin ako magreview magbabasa na muna ako ng novel! Parang nainterest kasi ako sa book na nakita ko... Class 3-C ata yun...Basta yun.. alam ko nandito lang yun ah... AJA! ITO NGA!! Swerte!

"Psst! Ui! Mirai! Nandito ka pala!" Ay hindi hindi nandun ako. DOON! (--_____--) Di naman kasi obvious. "Ba't wala kang kasama? Wala ka bang kaibigan? Lagi ka kasi mag-isa eh..."

Di ko lang siya pinapansin at nakafocus lang ako sa binabasa ko. Like HELLO??! Nasa library tayo tapos ang ingay ingay mo. Pwede ka bang tumahimik o lumayas na lang kitang nagbabasa eh. Tsaka grabe nakakagulat siya, bigla bigla na lang siyang susulpot.

"Helloo??! YUUUHHOOOOOOOOOOOOO??UI MIRAI!" la la la la la la la!! Wala akong naririnig! WALA! "\'(O______O)'/ HALA! Mirai are you deaf?!"

Naknang!!... whatever... di ako makapagbasa dito. Sinara ko yung librong binabasa ko at binalik sa shelf. Mukhang nagulat siya dun. Medyo nakakaoffend kasi siya eh. Tapos kitang kita na tinititigan niya ko... I gave her the cold glare at umalis na ko.. Kaso panay buntot nitong babae sa akin. At yehey! May bago na kong pet! TSE bwiset na pet na yan. Pwet na lang! HAHAHA!

"Uy Mirai!" (-___-) Poker face lang ako... hindi ko siya pinapansin at sige lakad lang..

"PPPPSSSSSSSSSSSSTTT!!! MIRAI!!!" WALANG TAO DITO DIBA?!! LETCHUGAS ANG INGAY NITONG BABAENG TO!!!

"MIRAI FORTALEHO!!!" AAAAAAARRRRGGGGGGGHHH!!! Nakakainis na siya ah.

"ANO?!!! Naknang kabute naman niyang ang ingay mo!" galit na sabi ko. t(=___=)t May sayad ata to eh. Kita mong sinigawan ko na nga siya aba't ngumiti pa! Lakas din mang-asar eh. "OH?! ANUNG NGININGITI MO DIYAN?!"

"AHAHAHA! Chill lang girl! Huwag masyado high blood! Akala ko kasi bingi ka, laking tuwa ko na hindi. Ako nga pala si Renalie Venadigez, Rena for short. Paturo naman sa Math oh." sabay puppy eyes siya. Ahhh! Yun naman pala dahilan kung bakit dikit to ng dikit sa akin eh. Papaturo lang pala. So tutor na pala ako ngayon? Dahil sa sinabi niya parang nabanas talaga ako at nagpatuloy lang ulit sa paglalakad ko.

"Ui! Sige naman Mirai oh.. Please?? Malapit na kasi exams eh. At paghindi ko daw napasa to ay magrerepeat daw ako! Ajujuuju!! Mirai tulong!!" nagmamakaawang sabi niya. Well wala parin akong pakialam kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

So lumipas ang isang linggo ay ganun parin siya... 'Mirai' dito 'Mirai' doon! Walang humpay na pagtawag sa pangalan ko. Sabi nga nung ibang kaklase ko sayang daw siya kasi maganda nga siya at mabait pa tapos parang stalker ko daw o may gusto daw sa akin?! Pasaway kung anu-ano tuloy tingin nila sayo...

"Mirai! sige na! T^T" iyak niya nanaman sa akin.

"Alam mo kung gusto mo talagang pumasa sa Math, dapat wag ka na magsayang nang oras kakamakaawa sa akin at magstart ka na magpractice o magreview sa Math.... You don't need a tutor to teach you how to solve, You need practice to solve it."

"Pero wala akong naiintindihan eh... Turuan mo na kasi ako!! (/TT^TT)/" pagdadahilan niya.

"Sige na, sige na... basta matigil ka lang..." yun na lang sinabi ko para nga turuan siya. At wow fast learner siya...

Pagkatapos ko siya turuan ay di na siya muling nagpakita saakin. So ganun? Pagkatapos ako pakinabangan basta basta na lang ako iiwanan?.... sa totoo lang di naman niya ako iniwan. Kung sabagay nga eh di naman kami nagsama kaya bakit niya ako iiwanan? Basta!

Ignore me if you can!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon