Chapter @@ -Unwanted Past-

10 0 0
                                    


Mac's POV~

"Masyado siyang magaling... Alam niya agad kung paano bumuo ng baril." bulong ng isang lalaki sa kasama niya. Bakit ba kasi ako nandito? Bakit ba ko nasa lugar na to? Natatakot ako. Puro mga nakamamatay na gamit ang meron dito, may kutsilyo, baril at kung anu-anong mga bagay na sa tingin ko ay nakamamatay talaga. Natatakot ako...

"Mac, buoin mo naman yung isang yun." Turo ni papa ang isa pang baril. Nagtataka ako kung bakit kailangan ako pa gumawa nun. Mga sampo na ang nabubuo ko nun. Hindi ba siya napapagod? Natatakot na ako sa mga inaakto ni papa ngayon. Napayakap ako ng masmahigpit sa gray na teddy bear ko na may pulang ribbon sa may leeg nito.

"Papa... Para saan po ba ito?" sa wakas ay nasabi ko rin ang mga salitang kanina pa gustong lumabas sa akin.

"It's for your training." Malamig na sabi niya.

"Training for what? Papa, I'm scared. I want to go home, I think mama is waiting for me already. It's time for my piano practice." I reasoned.

"Mac, listen to me. Do what I say and we'll go home, if not then you have to stay here. So what will it be then?" My eyes widen as I heard those words. Ayokong maiwan dito. Ayoko dito. Natatakot ako!

"Sususnod na po." Nakatingin ako sa baba ng sabihin ko yun. Ayoko mag-assemble ng baril! Nakakapapatay daw kasi ito. Masyadong delikado para hawakan ito ng isang batang tulad ko. Isa lamang akong hamak na pitong taong gulang na babae.

Tinayo ako ni Papa sa isang upuan para Makita ko ang mga parts ng baril na nakalagay sa mahabang table na to. Tiningnan ko muna si papa bago ko tingnan muli ang baril na nakalatag dito. Medyo mahaba siya. Hindi ko alam kung anong tawag sa baril na ito pero sa pagkakaalam ko tawag dito ay ripple daw... tama ba? Basta asul ripple! Oo yun ata tawag dun.

(A/N: Assualt riffle po yung baril! Hihihi! Masyado kasing bata dito si Mirai kaya naging ganun tawag niya dito.)

"Mac. May limang minuto ka lang para ayusin yan. Kapag hindi mo yun nagawa ay iiwan kita dito. Naiintindihan mo?" nagulat ako sa sinabi ni papa, magrereklamo sana ako kaso binaba niya na yung timer at wala na rin akong nagawa kundi ayusin yung baril. Pagtitingnan mo parang puzzle lang siya. Kailangan mo lang alamin kung saan yung tamang shapes niya. Parang ganun lang naman.

"Finished." Sabi ko habang ibinababa ko yung baril. Mabigat ah! >.< Bakit ba kasi ako nandito?

Ngumiti si papa. Pero hindi dahil sa proud siya sa akin kundi parang may masama siyang ibinabalak. Ayokong pag-isipan ng masama si papa kaya hindi ko na lang ito pinansin at ngitian ko na rin si papa pabalik pero natatakot parin ako kaya napayakap ako ng mahigpit kay Nika, yung teddy bear ko.

"Baka tinuruan niya lang kaya ganun kabilis mag-assemble. 3 minutes agad? Masyado mabilis sa isang baguhan." Ani ng isang babaeng nakauniporme na katulad kay papa. Sundalo din ito kaso mas mababang uri. Si papa ang head or parang general ata tawag dun? Ewan.

"Very good. Mac, sabihin mo nga sa akin. Don't lie okay?" tumango na lang ako. "Nakahawak ka na ba ng guns before? Masyado ka na ata familiarized dito."

"Ngayon lang po ako papa ako nakahawak niyan. Para lang daw po sa adult ang mga yan." Sabi ko naman.

"Kids don't lie, people. I simply have a genius daughter." Pagmamalaki naman sa akin ni papa. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o ano pero hindi kasiyahan ang naramdaman ko ng ipagmalaki niya ako... kundi takot ang namuo sa buong katawan ko. Parang sinasabi niya na masyado ako matalino pero ito ang magbibigay daan para pahirapan ko ang sarili ko... Ang isang kakayahan kasi lalo na paghindi ordinaryo o higit sa iba ay nagbibigay ng matinding responsibilidad at pagsubok ang nakalaan sa kanya. At sa nangyayari ngayon ay parang sinasabi ni papa na magdudusa ako habang papalaki ako.

Ignore me if you can!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon