Mac Iraye Fortaleho's Point of View~
Bago ko tuluyang pumikit at hayaan ang mga nangyayari ay naibalinga ko ang mga mata ko sa may railings ng rooftop. At sa nakita ko ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Napamulat ang mata ko ng napakalaki at napatayo.
"Mi-mirai?" sabi ni Soul. Kumapit ako sa railings at medyo naglean para makita ko ng maigi kung siya nga yun. "Mirai, what's wrong?"
"M-mama...." sigurado ako. Siya nga yun. Nag-iba lang ang style ng buhok niya, medyo tumangkad at nawala ang salamin pero sigurado ako... siya yun. Agad-agad akong tumakbo pababa ng hagdan. Bakasakaling hindi siya yun.
"Mirai!! Anong nangyayari?"Nakita ko si mama. Nakaupo siya sa malapit na park bench na malapit dito sa school. Sigurado ako na si mama yun pero.... Si mama yun....
"Mirai, Ano ba! Mirai! Hintayin mo ko!" Umakyat ako sa school gate at tumalon pababa. Si mama yun. Patay na si mama, imposibleng siya yun pero ano yun? Ilusyon? Multo?! Hindi! Kailangan ko siya makita. Kailangan kong makasiguro!
"Mirai! Tumigil ka pwede ba?!" si mama nga ba talaga yun? Papaanong buhay pa siya? Di kaya di talaga namatay si mama?? P-pero.... nagmatch yung DNA test ng katawan ni mama yung nasunog na katawan na nakuha namin ni papa dun sa Japan? Eh bakit.....
Bakit buhay pa siya????
"Mama....." nakadating ako sa park at wala akong nakitang babae na nakapo sa bench kung saan nakita ko kanina si mama nakaupo dito. Lumingon-lingon ako at nagmasid bakasakaling nandito pa siya. At nakita ko siya, parehas talaga sila ng likod! Si mama nga to! Medyo malayo na siya pero alam kong si mama yun at naglalakad siya papuntang crowded na lugar. Hinabol ko parin siya kahit ganun pa man. "MA! MAMA!!"
Hindi siya lumilingon. "MAMA!!"
Wala parin, tumakbo ako para habulin siya, kahit nagsisiksikan at naiipit na ko sa tao ay wala akong pakialam. Dahil dun ay malapit ko na siyang maabot at masiguro na si mama yun.
Mama... mama..... mama...... mama..... mama.... mama..... wag mo kong iwanan...... ma..... ma..... mama....
"Mama—"
Kaso nung mahahawakan ko pa lang yung kamay ni mama ay may humawak ng kamay ko at hinila ako palabas ng dagat ng mga tao.
"Mirai.... What the hell are you doing there??" sabi ni Soul sa akin. Pagod na pagod siya. Tiningnan ko lang siya muli at babalik na sana ako sa crowded na daanan para hanapin ulit si mama pero pagtalikod ko pa lang ay hinila niya ulit ako paharap niya. "Mirai pwede bang sabihin mo sa akin kung anong nangyayari?!"
Naiinis ako.
Tangna nandun na eh!! Malapit ko ng masigurado na si mama yun pero bigla siyang dumating!! Bakit pa kasi siya dumating sa buhay ko? Tahimik ako noon nung wala siya! Nung wala sila ni Renalie! Okay na eh! Matatakasan ko na sana yung sakit ng dulot ng letseng pagmamahal na yan at pagtitiwala! Kung hindi sana ako nakahalubilo sa tao edi sana hindi to ang nangyayari, edi sana nakita ko si mama ngayon ng walang nang iistorbo!!
"Aalis na ko...." sabi ko.
"Teka! Galit ka ba?"
"Hindi! TUWANG-TUWA NGA AKO EH! KAYA PWEDE BA? UMALIS KA NA SA DADAANAN KO!"
"Bakit ka galit? Hindi pa nga natin tapos ang dapat na gagawin natin tapos bigla ka na lang tumakbo at bigla ka na lang nagagalit! Talk about mood swings! Ano ba kasi problema mo?!" hindi niya ba alam kung gaano kahalaga na chance yun na nawala sa akin?! Si mama yun! Malay mo di pala talaga namatay si mama at nakaligtas siya at dahil doon ay wala siyang maalala at yun na lang ang huli kong kita sa kanya?!
BINABASA MO ANG
Ignore me if you can!
RomanceWhat if you were asked to play a game? and he was a very popular and handsome guy....? would you say YES or a NO? not interested? then what if there's no other way than to accept....? well PROBLEMA mo na un! Let's see if Mirai Fortaleho can resist...