"Mirai..." napatingin si Mirai sa tumawag. Si Soul... "Mac..."
Sa narinig na pagatawag ni Soul sa kanya sa dati niyang pangalan nakita niya lahat ng ginawa niya noon. Umapaw ng dugo ang mga memorya na naaalala niya. Isang masamang panaginip iyon para kay Mirai. Pinilit niya itong kinalimutan ngunit kahit anong gawin niya nakadikit ito sa pagkatao niya.
Pinilit na tumayo ni Soul mula sa pagkahilata. Tinulungan ito ni Julian upang makatayo, pinilit na maglakad papunta kay Mirai si Soul, nang malapit na ito ay bumagsak ito at buti na lang ay nasalo nito si Soul. Hindi sila sanay sa tama ng bala kaya hindi pa nila ito kaya iendure unlike kay Mirai na palagi na lang natatamaan dahil sa paggamit sa sarili niya as a human shield to protect her mates when she goes on a mission.
"Mac... Thank God your safe!!" masayang sabi ni Soul sabay yakap sa dalagang duguan. Sobrang nagulat si Mirai sa ginawa ni Soul na pagyakap. Sa mga gantong oras, kapag siya'y hinuhusgahan walang tao ang lumalapit sa kanya para kamustahin ang lagay niya. Kahit mismo ang sarili niyang pamilya hindi nagawa iyon. Bakit pa kaya ng iba? Isa ba tong patibong? "Are you a-alright?"
Gustong maiyak ni Mirai sa sobrang tuwa. Masarap pala sa pakiramdam na may nag-aalala sayo. Gustong gusto ni Mirai umiyak kaso sa larong ito...
Hindi mo pwede ipakita ang kahinaan mo...
Gagamitin nila ito laban sayo...
Hindi mo rin alam na minsan....
Ang mga taong mahahalaga sayo ang mismong magiging kalaban mo...
Ang mga kalaban na hindi mo ginustong maging kalaban...
At kapag yun ang nangyari....
She will be all alone again...
She was always alone...
Medyo itunulak ni Mirai si Soul. Tumingin si Mirai kay Rico at sa tingin pa lang alam na ni Rico ang gusto nitong iparating. Inutusan ni Rico ang isa sa mga tauhan ng hospital para bigyan ng first aid ang mga kaklase ni Mirai kaso biglang may pumutok. Napatingin lahat ng tao sa kinaroroonan ng pagsabog.
Dahil sa lahat ng attention ay nandun sa kinaroroonan ng pagsabog ay hindi napansin nila na may sumaksak sa likod ni Mirai. Napasuka ng dugo si Mirai. Nagulat na lang si Soul sa biglaang pangyayari. Tinulak ng lalaki si Soul palayo kay Mirai at kinaladkad ito palayo pero bago ito makalayo ay sinuntok ito ni Soul. Tiniis talaga nito ang sakit.
"TULONG!! SI MIRAI!!" sigaw ni Soul para makakuha ng attention mula sa mga kasama nila. Kaso masyado maingay para marinig siya. Sumigaw muli siya. "TULONG!!! SI MIR--!!"
*BANG*
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng maramdaman niya ang pagbaon ng bala sa tyan niya. Sa lakas ng tunog ng pagputok ay nakuha din sa wakas ang attention ng mga kasama nila. Nakita nila na dumudugo ang tyan nito at may nanghihila kay Mirai ngunit kahit duguan ay pumapalag si Mirai. Pinilit na tumayo ang iba at iligtas si Mirai kaso itinutok ng lalaki ang baril nito sa kanila at nagpaputok. Napatigil tuloy ang mga ito except kay Kino.
"Tsk!" sabay binaril ulit si Kino kaso ang tinamaan ay si Soul. Bumagsak ito. Naasar yung lalaki at marahas na hinila si Mirai palayo sa kinaroroonan nila.
"S-Soul!!" she manage to shout his name. "K-kino!"
"F-f*ck... It d@mn hurts!... Kino, puntahan mo siya! Save h-her..." nauutal na sabi ni Soul.
"You don't have to say that... I'm going to do that without your heroic speech..."
"The one talked." Soul smirked. Kino followed Mirai and the mysterious guy.
BINABASA MO ANG
Ignore me if you can!
RomanceWhat if you were asked to play a game? and he was a very popular and handsome guy....? would you say YES or a NO? not interested? then what if there's no other way than to accept....? well PROBLEMA mo na un! Let's see if Mirai Fortaleho can resist...