Chapter & - She's Alive?! -

13 0 0
                                    

3rd Person's Point of View~

"AHAHAHHAHAHA!!! Oo tanga ako tanga!" panay sigaw si Mirai habang umiiyak sa ilalim nang ulan at si Kino naman ay humahabol dito. Hindi kasi malaman ni Kino kung anung nangyayari sa dalaga simula nung nakita niya si Soul na kaibigan niya rin na dumudugo ang ilong at si Mirai daw ang gumawa nun.

"Mirai!!" nahihirapan na si Kino sa paghabol kay Mirai dahil matagal tagal na rin sila tumatakbo at ang bigat pa ng katawan niya dahil sa ulan. Napansin niya na palapit sila sa matataas na building. Parang napapansin siya na hindi maganda ang susunod na mangyayari. At napapansin niya na umiiyak si Mirai kahit umuulan. Alam niya na umiiyak siya dahil nanginginig ang dalaga at naaririnig niya ang mga hikbi nito.

"T-tama na!!! Tama na Kino! Umalis ka na! Bakit ba ang laki ng concern mo sa akin ha?!" lumigon si Mirai kay Kino at nabigla si Kino nang makita ang mga mata ni Mirai na tila na ibang tao ang nasa harapan niya. Doon niya naalala kung bakit nagkagusto siya noon sa dalagang iyon. Napaisip siya na noon ay napakalaki ang gusto niya sa kanya na parang naging stalker na nga siya nito ngunit ngayon niya lang nakita ang kakaibang expression sa kanya. Ang pagkagusto niya sa dalaga ay binaon niya sa pinakailalim ng puso niya ngunit bakit parang bumabalik ito?

"HAHAHA! Huwag mong sabihin na hanggang ngayon ay crush mo parin ako?!" nagulat si Kino sa sinabi ni Mirai dahil hindi niya akalain na alam pala niya na maypagtingin siya dito. Hindi nakapagsalita si Kino dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang i-react. Hindi niya rin alam kung ano ang nararamdaman niya.. basta naiinis siya, hindi kay Mirai kundi sa ulan... pahirap daw eh. Tiningnan niya ang dalaga ng taimtim at dahil doon ay naalala niya kung bakit siya nagkagusto dito at bakit nagbago siya.

Noon ay katulad siya ni Soul, playboy, mayabang, basagulero, rebelled ngunit masmalala.. Siya nga ang pinakamalala sa tropa niyang katulad niya rin... including na dun si Soul, Raven, Eleven at Ellisa. Sila ang magtotropa na mga g*go. Kaso nagbago na si Kino dahil nga kay Mirai.

Type kasi ni Kino ang mga babaeng tahimik at mahahabang buhok. Kaya agaw pansin agad si Mirai sa taste niya. Natututwa rin siya na napakacold ang treatment ni Mirai sa mga taong nakapaligid sa kanya. At pati na rin ang poker face nito.

Nahilig nga si Kino sa mga libro dahil kay Mirai, kasi kung ano ang mga binabasa ni Mirai ay binabasa niya rin. Hindi siya nabored sa pagbabasa dahil magaganda ang mga napiling libro ni Mirai, kadalasan nga lang ay mystery, horror at action. Maganda si Mirai hindi lang halata kasi lagi siyang nakapigtails na parang bata, pero pagsiya'y naglugay at paghinahangin ang buhok niya ay siguradong nakakapanglaglag panga! Ang pinakagusto ni Kino kay Mirai ay ang mga mata nito talagang nakakapang-akit.

Naabutan ni Kino si Mirai at pinatigil niya ito sa kakatakbo, napansin niya na tumigil sila sa may mataas na building.

"Ano bang ginagawa mo ah?! Tsaka ano bang mga pinagsasabi mo ah?!" asar na sabi ni Kino. Nakatungo lang si Mirai at bigla na lang ito nagsalita, "So anung nalaman mo tungkol sa akin noon?.... Diba stalker kita?"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Tumigil ka nga!" tumingala si Mirai at nakita ni Kino ang mga matang wala sa sarili ni Mirai. Kita niya rin ang pagpilit na ngiti niya. Tumatawa na naman siya ng mapapait.

"HAHAAHAHA! So wala kang nakuhang impormasyon sa akin! HAHAHA! Ang galing ko naman, naitago ko ang sikreto ko hanggang ngayon!" naiisip ni Kino na dalhin na si Mirai sa ospital kasi parang nababaliw na ang dalaga.

"Hanggang ngayon hindi niyo parin alam na ako ang heneral ng polisya... ang tinatagong heneral...." mahina niyang sabi. Tapos tumawa siya ng malakas natakot na si Kino dahil baka baliw na si Mirai kaya binatukan niya ito.

Ignore me if you can!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon