Saturday ngayon at..........GALA TAYMMM!! hahaha susunduin naman nila ako dito sa bahay... de jk! siyempre may sarili naman akong kotse at kaya kong mag drive kaya ako magisa ang pupunta dun. Si Amanda sasabay sakin, si Trix at si Mae ang magkasabay,si Trix ang magdadrive. Si Stacey naman, since sila ang may ari ng bar she don't need to drive to go their...
Nagpaalam na rin ako kila mom at dad kaninang umaga...pero as usual..wala naman silang pake but just a few reminders.. at yun ay ang dapat daw bago mag 12:00 nasa bahay na ako. ohh diba?? tss.
4 pm ang oras ng meeting namin sa party place namin. hindi naman masyadong harmful dun sa bar nila Stacey kasi own naman nila yun at may security naman duon.Mahigpit ang security dun kaya nothing to worry.
Umalis na ako sa bahay papunta na ako ngayon sa bahay nila Amanda. Well,pareho lang naman kami ng subdivison kaya medyo malapit lng ang bahay nila sa amin. Habang papunta ako dun nakita ko yung park kaya tumambay myna ako don,tutal maaga pa naman 2:45 pa lang ehh tsaka sabi ni Amanda 3:30 ko daw siya sunduin..so may time pa.
Bumaba na ako sa kotse ko then pumunta dun sa swing. dun ako madalas tumambay nung highschool pa ako....ung mga panahon na gulong gulo pa ako sa sitwasyon ko.... at lahat ng iyon ay nangyari dito sa park na toh.......
*Flashback*
"Jen, napakabait mong girlfriend kaya mahal na mahal kita.pero sabi nga nila every relationship comes to an end kaya siguro iba na rin ang nararamdaman ko sa ngayon. Jen hindi ko alam pero..parang nawawala na yung spark sating dalawa,para bang... hindi ko na nararamdaman yung pagmamahal ko sayo dati...parang naglaho na lahat...." hindi ko alam ang gagawin ko,kahit na anong oras baka tumulo na ang luha ko. Ang sakit kasi na marinig mo yun sa taong mahal mo
"Babe, ano tong sinasabi mo...haha..diba joke lang yan. babe,itigil mo na yan tama na hindi na nakakatawa ehh.. babe? tama naman ako diba?? joke lang yan diba? babe!! sumagot ka!" hindi ko na kaya.... sabay ng pagsigaw ko.. ay ang pagpatak din ng mga luha ko. akala ko,siya na ung lalaking magmamahal sakin ng tunay.. akala ko siya na yung lalaking sasamahan ako hanggang sa dulo. pero nagkamali ako... hindi pala siya yun! marami na siyang nagawang kasalanan sakin pero dahil mahal ko siya paulit ulit ko pa rin siyang pinapatawad pero habang tumatagal mas lumalala ung mga kasalanan niya sakin hanggang sa sinabi saking mga kaibigan ko na hindi niya talaga ako mahal pero mahal ko siya kaya hindi ako naniwala sa mga kaibigan ko..pero nagkamali ako...napakamali ng naging desisyon ko..sana pinaniwalaan ko ang mga kaibigan ko...sobrang malaking pagkakamali ng nagawa ko....
"Jen, I'm sorry pero talagang wala na ehh tapos na talaga ang lahat satin...minahal naman kita ehh pero---" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya
"SINUNGALING KA! HINDI MO NAMAN TALAGA AKO MINAHAL EHH! ISA LANG NAMAN ANG HABOL MO SAKIN! AT YUN AY ANG KASIKATAN!" sa mga oras na yon humagulgol na ako sa iyak.. ang sakit sakit na kasi ehh "PERO ANO? NABIGO KA? KASI HINDI SANG-AYON ANG MGA TAO SATIN SA CAMPUS DAHIL NA RIN SIGURO SIKAT AKO AT MAGANDA KAYA MARAMING NAGKAKANDARAPA SAKIN?" hindi ko alam kung bakit ko nasasabi ang mga iyon....pero masakit talaga ehh... ang sakit sakit
"Jen... hindi totoo yan. Jen makinig ka sakin..Jen minahal kita..minahal kita ng tunay....Jen..I Love you..pero dati na yun Jen, I'm sorry,I'm really really sorry. Inaamin ko sayo.. nagloko ako..nangbabae ako pero hindi ibig sabihin nun hindi kita minahal. Jen, una kitang minahal pero siguro..hindi talaga tayo para sa isa't isa...Jen I'm really sorry" hindi ko na kaya....
"We're done... yun ba ang ibig mong sabihin? so tinatapos mo na ang lahat?" ang sakit sakit na.... "Well, gusto ko ring sabihin yan sayo.. matagal ko nang gustong sabihin yan sayo. Nagpakatanga ako para sayo! Mahal na mahal kita kaya kahit na ilang beses mo pa akong ginago.. Minamahal pa rin kita..kaya siguro ang Diyos na rin ang gumawa ng paraan para paghiwalayin tayo...."
"I'm really sorry Jen......." sa mga salita niyang iyon bumuhos na talaga ang luha ko at palagay ko, dinadamayan din ako ng langit dahil kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pagpatak ng malakas na ulan.......
"Tandaan mo to...Magbabayad kang lalaki ka! kapag nagkita tayong muli.....hindi na ako yung Jen na nakilala mo..."
*END OF FLASHBACK"
hayys nakakainis! nagrewind pa sa utak ko yung pangayayare na yun! pssh... Pasalamat siya at hindi ko siya pinahanap at sinalvage kung hindi wala na siya sa mundong ibabaw ngayon tss.... teka anong oras na nga pala?? *tingin sa phone*
"Waaaah! 3 :47 na! lagoot! amazona pa naman yun si mandy! aiish" nagmadali akong pumasok sa kotse ko at binilisan pumunta sa bahay nila mandy. in-on ko yung radyo ng kotse pinili ko yung pinakapeyborit kong radio station at nakinig. Napaisip rin ako, ang tagal ko rin palang naka tunganga dun sa park.hehehe
Nandito na ako sa tapat ng bahay nila Mandy. pinipilit kong wag matakot pero hindi ko kaya ehh... anu kayang gagawin ni Mandy...aiish! bababa na nga lang ako dito papasok na lang ako sa bahay nila
"ding.dong.ding.dong." Tunog yan ng doorbell nila hihihi.
lumabas yung isa nilang kasambahay at kung hindi ako nagkakamali si manang Tessa iyun.
"Ahhmm manang, pwede po bang malaman kung nandiyan pa po si Mandy?"
tanong ko"Ahh oo iha. Nasa kwarto pa siya nag aayos. Pasok ka muna sa loob at duon mo na siya hintayin." whew... akala ko pa naman ready na siya....
pagpasok ko sa bahay nila ganun pa rin, walang nagbabago.. matagal tagal na rin kasi nung huli akong pumunta dito sa bahay nila Mandy ehh.
Maya maya ay bumaba na rin siya.. Jeans..hanging shirt.. sneakers at nakalugay na buhok..srsly?? phew hindi ko talaga type ung pananamit neto ni mandy..heheh dun lang kami nagkakaiba...medyo boyish kasi siya. Well ako naman ang suot ko ayy... tubeless dress na kulay...RED! ang favorite color ko..hehehe at siyempre heels... pero sa bahay.....aaminin ko..may pagkamanang akong manamit hehehehe :)
"Uii friend! tara na! baka mahuli pa tayu sa party!" kahit kelan talaga tong si Mandy..tss ang hilig magpahintay pero hindi marunong maghintay. panu ba naman... NAUNA NA SA LABAS EHH! tsk
"uii Mandy! baka gusto mo naman akong hintayin?!" nakakabwisit talaga tong babaitang toh hayys...wag ng patulan..baka mahaggard ang biyowti kuh haha
"sumakay na kami sa kotse ko.. naiwan ko palang nakabukas yung radio kaya ayun....ang pangbungad na kanta sakin ay yung pinaka-ayaw na kanta ko sa lahat....
ang I'm yours ni Jason Mraz....I used to like that song before...I even love that song...but now...I don't know..When he broke up with me, that song became the worst song I've ever heard for the rest of my life. Dati kasi sabay naming kinakanta yan ng ex-boyfriend ko...kaya siguro ganun na lng kalaki ang epekto nung kanta sakin... hindi ko na gustong sariwain pa ang aking nakaraan, pero pilit itong bumabalik dahil sa mga bagay bagay sa aking paligid na naging parte ng aming pagmamahalan-- mali pala ako...naging parte ng PAGMAMAHAL ko sa kanya....
Sabi nga sakin ni Mandy...'Pilit man natung kalimutan ang isang bagay... may mga bagay rin sa ating paligid na nagpapa-alala rito....'
"Jen...okay ka lang ba? mukang malalim ang iniisip mo ahh... may problema ba? umiiyak ka na ehh" kitams...hindi ko alam na napaiyak na pala ako....
"kasi...kasi...*sob*"
........................................................................
kasi......hahahha jowk
bitin mowna
tnx
till we meet again... sa next chapter xD
BINABASA MO ANG
Fall in Love with my bestfriend
Teen FictionNagsimula sa pagiging 'hero' , sumunod ay nagbangayan, nakilala ang isa't isa, naging magkaibigan......mauwi pa kaya sa pagmamahalan? F.R.I.E.N.D.S yan ang tawag sa mga malalapit na tao sayo...ung mga minamahal mo. pero paano na lang kung masira ang...