Chapter 26- park

7 0 0
                                    

Jen's Pov

"Jen? Anong nangyare sayo? Bakit parang balisa ka ata?" yan ang laging tanong sakin ng mga kaibigan ko sa tuwing magkakausap kami. Ano ba kasing ginawa sakin nung exo ahh este EX KO? Simula nung nagkita kami, lagi na lang akong tulala at parang balisa based sa kwento ng mga kaibigan ko

Tatlong linggo na rin ang nakaraan nung nagkita kami ni james. Tatlong linggo na rin nung nagsimula siyang mag-aral dito.

"Jen!! Pwede ba? Kung ano man yang iniisip mo, i-share mo naman! Hindi yung sinosolo mo. Sige ka, sabi pa naman ng karamihan, kapag di mo sinasabi yung bumabagabag sa utak mo, mababaliw ka. Gusto mo ba 'yon?" asar sakin ng bakulaw na hero na 'to pero nanatili lang akong walang kibo

"Ah sige bahala ka." nakangisi lang siya sakin na parang may binabalak gawin. Para bang mang-aasar siya? Maya-maya, ay may kinuha siyang kung ano sa bag niya "Mmmmmm! Ang sawap naman netong burger! Mmmm!" hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Anong akala niya sakin? Madadaan sa burger? Pwes, He's wrong

"Teka nga, san mo ba nabili 'yang burger na 'yan?" tanong ni mandy na nasa tabi ko

"Edi saan pa? Siyempre, sa 'JOLLIBEE'! Diba masarap ang burger sa 'JOLLIBEE'? Mmmmmmm! ang sarap talaga ng burger sa 'JOLLI--" naputol ang sasabihin niya dahil sa ginawa ko

Inagaw ko sa kanya yung yum burger at kinain ko. Putek naman! Hindi ko napigilan ang tukso!

"Abaaaaa! Buahahaha! Nung una, nagmamatigas ka pa eh susuko ka rin naman pala! Hahaha" agad kong sinamaan ng tingin si hero dahil sa sinabi niya

Hindi ko lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng burger.

Napansin kong nakatingin siya sakin. Ahh mali! Nakatitig siya sakin kaya naman kumunot ang noo ko

"Ang takaw mo kasi!" sigaw niya sakin. Tila nabasa niya ang nasa isip ko

"Bwiset ka" walang emosyon kong sinabi

"Hmm...hindi ba kita napasaya?" tanong niya sakin na parang nadismaya

"Ano sa tingin mo?" tinignan ko siya na nakablanko ang muka

"Hmm...hinde" hindi ko alam kung namimilosopo ba siya o sadyang t*nga lang siya. Nakaka highblood naman 'to. Ang sarap sampalin!

"Yun na yun" maikli kong sagot

"Hahahahaha! Tama ako! Woohoo! Buahahaha!" tss! Haha para siyang timang!

Napatawa lang ako ng mahina

"Anu yan!?" masigla niyang tanong na tila nabuhayan ng loob

"Huh?" natatawa pa rin ako dahil sa kanya kanina

"Tumawa ka! Kahit mahina lang, tumawa ka! Yeheyy! Hahaha" anong nangyare sa kanya? Anong dapat niyang ikatuwa sa pagtawa ko ng mahina?

"Ano naman?" nakangiti kong tanong

"Napasaya kita kahit konti" sabay ngiti ng malawak.

"Hindi ako masaya. Nakakatawa ka lang kasi ang pangit mo" para naman siyang nadismaya sa sinabi ko. Hindi ko alam pero parang..may kung ano akong naramdaman nung sinabi ko sa kanya 'yon at nalungkot siya. Para bang, ayoko siyang makitang malungkot kaya naman binawi ko ang sinabi ko. Sinabi ko lang sa kanya na ang cute niya. KAHIT HINDI NAMAN.

"Sabi ko na nga ba eh! Crush mo ko 'no?! Yiieee! Nacu-cutan siya sakin! Crush niya akooo!" yucks naman! Ang pangit pangit niya e! Kadiri!

"Ewww! Uggh! I mean, HINDI KITA CRUSH. Assuming ka naman kasi. Sinabihan ka lang ng cute crush na agad. 'Di ba pwedeng na-cutan lang talaga? Ang kapal mo ah"

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon