Chapter 22- Heaven scene

5 1 0
                                    

Jen's Pov

Aray naman! Ang sakit ng mata ko.

Teka.... Nasa langit na ba ako? Anong nangyare? Bakit kulay puti yung nasa paligid ko? Kinuha na ba ako ni Lord? Naku...wag naman sana...bata pa ako..magdo-doctor pa ako eh. Kaka-college ko lang marami pa akong pangarap sa buhay. Wag po muna ninyo akong --

"Jen! Gising ka na! Mabuti at gising ka na!" mangiyak ngiyak na sabi sa akin ni mandy

Huh? So buhay pa ako? O baka naman...nasa langit din si mandy!

"Bakit tayo nasa langit?" tanong ko

"Tangeks! Diba sabi ko sayo magiingat ka lagi?! Hindi pa to langit jen..nasa ospital ka..." nung una ay para pa siyang galit na nanenermon pero bigla na lang siya nalungkot

"Oh? Bakit naman nakabusangot ka diyan? Kung hindi ako nasa langit edi buhay pa ako. Anong iniiyak iyak mo?" tanong ko naman

"BALIW KA BA JEN?! BAKIT KA BA KASI UMIYAK NG SOBRA SOBRA HA?! NAKALIMUTAN MO NA BANG MAY HIKA KA?! Jen naman...pakaingatan mo yang sarili mo..wag kang magiiyak masyado..mawawalan ka ng hangin eh..."

"Sorry... Ikaw lang ba ang nandito?" tanong ko. Ngunit pagkatapos kong itanong iyon..bigla namang may kumatok at pumasok sa kwarto

"Jennnnnnn! Huhu! Buti gising ka na!" nangingiyak na sabi nila mae, trix at ash

Patakbo silang lumapit sa akin at niyakap ako. Nakisama na rin si mandy

"Ano ba!--teka!--ui--teka lang!" nahihirapan ako magsalita dahil nasisikipan ako sa yakap nilang tatlo

"HOYY!! MGA UNGAS! NAHIHIRAPAN SI JEN! HUHU" sabi ni trix. Buti naman naisip niya

"Aysus. Fyi. Ikaw ang pinakamahigpit yumakap noh!" sabi ko

"Ay ako ba? Hihi sorry jen! Ano ba kasing nangyare?" tanong ni trix sakin

"Oo nga. Sabi nila nahirapan ka daw huminga." sinundan naman ni stacey. Na susundan naman ni mae

"May hika ka pala jen?"

"Anong nangyare?"
"Bakit ka nahirapan huminga?"
"Umiyak ka?"
"Sino nagpaiyak sayo?"
"Bakit ka niya pinaiyak?"
"May kasalanan ba sa kanya?"

Yan lang naman ang sunod sunod na tanong nila mae,trix at ni ash. NAKAKA-STRESS!!!!

"Huy ano ba!! Bawal ma-stress si jen!" saway sa kanila ni arthur

"Aha!! Pinaiyak ka ng mokong na toh noh! Sabihin mo lang para maupakan na namin! Ano?" maangas na tanong ni stacey

"Haha pwede ba...ako rin naman ang may kasalanan nito eh. Kaya please..wag niyo muna akong tadtarin ng mga tanong niyo..nakaka-stress"

"Oh ayan na po. Narinig niyo na po ang sinabi ng pasyente" sabi ni marcus

"Teka..." sabi ni mandy na tila nagtataka

"Nurse ka?" tanong ni trix na parang kumikinang kinang pa ang mata. Kaya naman...

"Ehem.." sabi ni jonathan sa kanya at inakbayan siya

"Ehh! Babe naman eh! Ang gwapo kasi" pacute niyang sabi kaya naman napangiti si marcus

"Doctor?" tanong naman ni mae

"Teka nga!! May iniisip ako! Wag kayong maingay!" saway ni mandy

"Sungit!" sigaw ni marcus..

"Aba! Sungit ka diyan--" napatigil si mandy at tinignan si marcus mula ulo hanggang paa "marcus? Nagtatrabaho ka dito? College pa lang tayo ah? Ikaw si marcus diba?" tanong ni mandy habang nakakunot ang noo

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon