Chap.13- Sorry

23 1 6
                                    

A/N: hello eto na... gwapo xD . Eto ang totoong gwapo! de jk
kitkatkat_68
....................................-_-................................

Hero's Pov

Ako nga pala si Hero Miguel Perez... 17 years old na ako at 1st year college na ako sa kasalukuyan. Businessman at woman ang mom at dad ko. nakatira kami sa isang exclusive subdivision kung saan mga mayayaman ang nakatira. Broken family ang definition ko sa pamilya namin. nakatira man si mom at dad sa iisang bahay kasama ako, hindi naman kami nagpapansinan. Pag nagkikita kami sa bahay parang wala lang... It all started nung nangbabae si dad...

"Sweetheart, I'm sorry dun sa ginawa ko... I'm sorry... natukso lang ako.. ang intention ko lang naman dun sa bar is uminom pero may lumapit na babae sakin at sineduce niya ako..Cecile please..I'm sorry..." sabi ni dad

"Tama na Harold! Tama na! wag ka ng magsinungaling sakin! akala mo di ko alam? anong akala mo sakin? Tanga? pwes mali ka! sinundan kita sa bar na yun.. kasi naghihinala na ako sayo. ung mga polo t-shirts mo..may mga kiss mark. ung americana mo amoy pangababae at higit sa lahat... ang isang matipunong lalaki na tulad mo..magsusuot ba yan ng panty? ha? hindi ko agad hinusgaan yung mga iyon pero dun sa panty sa brief case mo? nagkaroon na ako ng hinala.... sabihin mo nga sakin kung karapat dapat ka pa sa kapatawaran ko Mr. Harold Perez?" naiiyak na sabi ni mama... di ko rin inaakala na magagawa ito ni dad..... sa mismong girlfriend ko pa..

oo, sa girlfriend ko... yung gabing sinundan ni mama sa dad sinamahan ko si mama para kung may mangayare man ay maprotektahan ko siya. yung tinutukoy ni dad na babaeng di umanoy 'nagseduce' sa kanya..ay ang girlfriend ko...

"Dad, malaki ang respeto ko sa inyo pero yung mangbabae kayo at makipagtalik ka sa iba ng may asawa.. alam niyong mali iyon. at ung kinakaladkad niyo pang babae ay ang girlfriend ko...Dad! girlfriend ko yun! siya lang ang nagpabago sa patapon kong buhay..pero anong ginawa niyo?... yung babaeng pinakamamahal ko... nauna niyo pang nilandi! you are not deserving of mom's forgiveness!" kahit na anong galit ko kay dad ay hindi ko siya magawang saktan...

"Anak, I'm sorry.. Alam mo naman tayong mga lalaki mahina sa temptasyon hindi ba---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil ako na mismo ang pumutol doon

"Kung talagang mahal mo si mama at ako...ang pamilya mo... kayang kaya mong iwasan yun!hayop ka! napakababoy mo!"

"Bwiset ka Harold! Minahal kita ng sobra na nagawa kong ipagpalit ang pamliya ko sa iyo..pero lolokohin mo lang pala ako! gusto ko lang malaman mo na..may souveiner ako sayo sa huling pagsasama natin... bumuo tayo ng isang buhay... buhay na pagmamay-ari ng magiging anak natin..." buntis si mom?......

"Cecile....b-buntis ka? Cecile...I'm sorry..can we start another life...Cecile... ayokong maghiwalay tayo..." hayop siya! sa kabila ng ginawa niya? tingin niya mapapatawad pa siya ni mom? ha?! ang galing naman ng hayop na toh!

"Tanga ka ba ha? Anong tingin mo kay mom? tanga na tulad mo?pwes hi---" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si mom...

"Hindi kita binibigyan ng isa pang pagkakataon. gusto ko lang maranasan ng magiging anak natin ang magkaron ng ama. kahit na hindi na tayo magka ayos..para lang naman ito sa magiging anak  natin.. Titira pa rin tayo sa isang bahay pero mahde-devorce tayo..maliwanag ba iyon?...Harold Perez?" kalmadong sabi ni mom..pero ramdam ko ang puot at galit sa puso niya...

"Cecile....." yun na lamang ang nasabi ng magaling kong ama..

"oh ano? masaya ka na ba? masaya ka na ba na nasira mo na ang pamilya natin?" sa mga oras na iyon...napuno na ng galit at pagkalito ang puso't isipan ko...

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon