Chapter 25- Happy Day!

12 0 0
                                    

Jen's Pov

Aaaaaaaaaah! Nakakanerbyos! Bukod sa campaign eh dahil na rin sa play.

8-10 am ang campaign namin. Kakatapos lang nun at palagay ko, nasakin pa rin ang simpatya ng mga tao. Pero sana hindi nila ako iboto para naman hindi ako ma-stress hahaha

Mabilisang pagche-change costume ang ginawa ko. Natataranta na akooo! Ako pa naman ang unang una na character sa play kaya hindi pwede akong ma-late!

Haha charot! Dalawang oras pa bago mag-play. Siyempre, kailangan pang i-set-up yung gym.

"Jenn!!!!! Ang galing nung speech mo! English! Nakaka nosebleed yun ah!" -mandy

"Haha loko ka!"

"Hahaha goodluck bess!" -mandy

"Saan? Sa campaign o sa play? Ninenerbyos ako bess"

"Wag ka mag-alala ayos lang yan! Yung level lang naman natin ang manonood eh." -mandy

Sabagay! Hahaha

.....

"Please all stand" arrrgh! Nakakatamad. Kakasimula pa lang ng event para sa play.

Opening prayer

In the name of the Father, and of the Son and of the Holy sipirt    Amen

Emcee # 1: Please be seated

Emcee # 2: Goodafternoon to our first year students....

Chu chu. Ang dami dami pa nilang sinasabi. Eh kung magsimula na lang kaya sila para matapos na agad ang play at para mawakasan na rin ang kaba ko

Woooooh! Kalma lang...

Relax lang...

Ayan! Kaya mo naman pala mag-relax eh

Oo nga. Kaya ko nga

Kanina pa kasi ako ninenerbyos eh

Bat ka naman nenerbyosin?

Eh tayo na ang susunod!! Baka pumalpak ako eh

Baliw ka ba? Utak lang kita noh! Kung magkamali man ako, ako ang mapapahiya hindi ikaw

Anu ba yan! Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko!

May split personality kaya ako? WAG NAMAN PO SANA

Hay nakuuuuu! Kinakabahan talaga akooo! Bwiset

Phew...relax lang. Inhale.....exhale.....inhale.....exhale....inhale....ex--

"Ay butiking baboy!" napasigaw ako dahil sa pagkagulat ko. Pano ba naman kasi?! Bigla bigla siyang lumilitaw eh! "Anu ba! Bat nanggugulat ka?! Kinakabahan na nga ako tapos dadagdagan mo pa yung kaba ko! Bwiset!"

"Ay ganun ba? Hahaha tayo na kasi ang susunod" susunod? Saan? Hala?! Wtf?! Sa sobrang kaba ko, hindi ko napansin ang performance ng ibang students! Potek!

"AY CHETKA! Tara na!!" nagmamadali akong hinila siya sa stage

"Uii!teka teka! Biro lang! Hindi pa tayo ang magpe-perform. Pansin ko lang kasi na parang may iniisip ka eh. Pawis na pawis ka. May problema ka ba?" tanong sakin ni hero. Lintek siya! Kinakabahan na nga ako tapos pinakaba niya pa ako dahil sa pagsabi sakin na kami na ang next performer kahit di naman! Tsk! Tsk!

"Meron!" sigaw ko at tinuro ko yung pagmumuka niya "yan! Yan ang problema ko! Ubod kasi ng pangit yang pagmumuka mo!"

"Wow, thanks! Na-appreciate ko yung pamomroblema mo sa POGI kong muka" at nakuha niya pang kumindat sakin! Kala mo naman kinagwapo na niya yung pagkindat

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon