Chapter 27

21 1 2
                                    

Hero's Pov

Marami talagang bagay na hindi maipaliwanag. Tulad ng ugali ng mga tao. Ano ba kasing nangyayare sakin? Para kasing may isang tao na malakas ang dating sakin pero hindi ko maipaliwanag kung sino. Ilang gabi ko ng napapanaginipan yung taong yun. Kung hindi ko man mapanaginipan, e,sumasagi siya sa isip ko bago matulog.

"Pare!" sigaw ng isang lalaki. Ang lalim kaya ng boses! Alangan lalaki yun! Haha

Nilingon ko lang siya. Pero..wait, kilala ko ba siya? Parang hindi

"Anong kailangan mo?" tanong ko. 'Di kaya kami close ni hindi ko nga siya kilala e!

"Pare, pwede kang maging basketball player. Gusto mo ba? Ang tangkad mo rin kasi e. Pag nagkataon, baka ikaw pa ang maging ace player namin." sabi sakin nung lalaki. "Anong year ka na ba pare?"

"1st year. Medicine ang course ko" alam ko namang itatanong niya yun e

"Oh! So, first year ka lang pala! Pwedeng pwede kang sumali sa team namin! Sumali ka sa try-outs. sa sabado ang start. Aasahan ka namin dun ah! Eto nga pala yung fifill-apan"pagka-abot niya sakin ng isang papel, umalis na siya kasama yung mga kasama niya.

Seniors na siguro yun kaya naghahanap ng kapalit. Mga gurang for short. BUAHAHAHA

Bigla na lang pumasok sa isip ko si jen. Kasama na rin sina mae at james.

Arrggh! Nag walk-out kasi ako sa kanila kanina e. Ewan ko ba! Nabwiset ako e. Palusot ko, pupunta ako sa locker ko kaya naman, eto ako ngayon! Nasa harap ng locker ko hindi alam kung anong gagawin ko hanggang sa may parang lasing na bumunggo sakin.

Aba! Bawal outsiders dito! Lalo na yung outsiders na lasing!

"Hero?!"

"Jen?!"

Chorus naming sinabi.

"Hero.."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ang ayos ayos ng tanong ko ah! Pero ung sagot niya parang kailangan pang dalhin sa repair shop para ayusin!

"Bakit? 'Di na ba pwedeng pumunta sa locker ko? At tsaka public place naman 'to ah! Hindi naman private area ang hallway hindi ba?" hmp! Ang sungit!

"Tingnan mo 'to! Ang sungit nanaman! PMS ka talaga 'no!" pang-aasar ko

"Letse ka! Umalis ka nga diyan!"

"At bakit naman ako aalis? Hindi naman private area itong hallway diba?" hahaha! Ginaya ko lang yung rason niya para mas mainis siya

"Kasi locker ko yang pilit mong binubuksan." hmm....napatingin ako sa locker na kanina ko pa binubuksan pero hindi naman mabuksan "may nakalagay na ngang ANNE MADRIGAL 'di mo pa rin mabasa? O sadyang t*nga ka lang? Ayun yung locker mo oh!" haiist! Pahiya ako dun ah! Akalain ko bang Anne ang ginamit niyang locker at hindi janella. At tsaka hello lang ah! 'Di ako t*nga

-_- kaya naman pala ako nagkamali ng locker. Katabi lang pala ng locker niya, yung napakaganda kong locker.

"Bakit ba ang sungit mo? Ha?" pag-iiba ko ng topic nang mabawasan ang kahihiyan ko

"Eh ikaw? Bakit ang sungit mo din?" luh! Masungit daw ako?!

"May pinagseselosan akong manhid" out of nowhere, bigla na lang lumabas 'yan sa bibig ko.

Natahimik kaming dalawa ni jen. Eh? Anong meron?

"Uiii! Sino yan!" pasundot sundot pa siya sa tagiliran ko. Bwiset! Wag diyan! Buahahahah!

"Hahahaha! Letse ka! Di mo naman kilala e! Wag mo na alamin. Basta, isang bagay na pwede kong idescribe sa kanya, maganda siya." huminto ako saglit at nagseryoso.. "At mabait..."

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon