Chapter 20- Period.

8 1 0
                                    

Mandy's Pov

Nang makarating kami ni jen sa bahay, agad siyang tinanong ni manang tessa kung gutom siya. Dapat nga si manang tessa ang magluluto pero tumanggi si jen dahil siya na lang daw para hindi maka abala. Ewan ko kung nagbabait baitan epek o talagang nahihiya eh xD wahahaha

Nung magsisimula na siyang magluto, umakyat muna ako sa kwarto para na rin makapag-isip isp. Iniisip ko kung..paano ko matutulungan si arthur kay jen. Para sa ibang tao, madali lang mag-isip kung paano nila gagawin iyon. Pero para sakin, hindi ganun kadali ang lahat.

.... Mahal ko si arthur.. Pero mahal niya ang bestfriend ko. Hindi ko nga alam kung ano ang mas makabubuti eh. Ang lumayo na lang ako o ang magpakatanga habang tinutulungan si arthur sa bestfriend ko.

Hindi ako selfish pero..hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko.

Aiish! Naguguluhan na ako! Phew..... Isa lang naman ang paraan eh... Isa lang ang paraan..pero iyon ang pinakamasakit.

Let go....

It's really easy to say..but hard to do

Basta kung saan masaya ang Loved ones ko, dun na rin ako :))

...........

Kanina nung umalis agad si jen at pumunta sa kwarto ko, binitawan ko agad ang cellphone ko para magwalis dahil yun ang sabi niya. -_- nasobrahan kasi sa pagiging masipag yun eh. Ewan ko ba kung anong nakain nun at sumipag bigla eh dati halos lahat ng bagay kinatatamaran niya eh.

Binilisan ko ang pagwawalis para malaman ko kung ano ang ginagawa ni jen. Baka mamaya may kinalikot na siya dun sa kwarto ko eh! Baka nga may milagro pang ginagawa joke Hahaha

Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong nagsasalita si jen. Luh nuh toh? Nababaliw na ata. Kausap sarili eh. Wala naman ibang tao. Nanatili na lang ako sa pinto habang nakikinig sa mga sinasabi niya

"Phew... Sa tagal ng pinagsamahan natin mandy...masasabi kong ikaw talaga ang bestfriend ko. Bestfriend for life" bigla na lang tumigil si jen kaya naman nagulat ako. Pero narinig ko siyang nagsalita"ang cute cute natin dito oh. Naka-akbay ka saakin habang naka-tiptoe dahil mas matangkad ako sayo haha. Ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko dahil grumaduate ako kasama ang bestfriend ko. Yung taong dinamayan ako sa pag-iyak ko. Yung taong tinuring ko at tinuring akong kapatid. Sana nga..magkapatid na lang talaga tayo. Ikaw kasi yung nagpakita sa akin na mahalaga ako. Nung bata pa lang tayo..naalala ko nung nasa kindergarten tayo.. Pinagtanggol mo ako dun sa kumuha ng sandwich ko. Kahit pa lalaki siya at di hamak na mas matangkad sayo haha. Isa rin yun sa mga masasayang araw ng buhay ko dahil yun yung araw na nagkakilala tayo. Medyo nairita pa ako sa iyo noon dahil talagang nakakairita ka kasi nangealam ka. Sobrang nainis ako sa iyo noon--" haha pinutol ko ung sasabihin ni jen. Haha atat na atat kasi akong itanong sa kanya kung bat siya naiinis sakin eh. "ay palaka! Mandy! Hindi ka ba marunong kumatok? Ayyts!" wow! Tung ganda ko na toh? Tatawagin niyang palaka? Woww!

Grabe. May karapatan din naman kasi ako sa sarili kong kwarto diba? Pssh. "Ay nahiya naman ako sayo. Kwarto KO po kasi yung pintong binubuksan ko. Pwede na PO ba akong pumasok?" huminto muna ako sandali bago nagsalita "Nagwalis na rin PO ako sa baba" hahaha. Nakakahiya kasi sa kanya eh kaya nag 'po' ako hahaha jowk

Nagsorry siya. Siyempre pinatawad ko siya. Pasalamat siya mahal ko siya. Bestfriends nga naman..

Pagtapos nun ay sinabi niyang may gusto sa kanya si arthur. Ewan ko kung bakit niya sinisisi ang sarili niya. Wala naman siyang kasalanan. Kung meron mang dapat sisihin ay ako yun. Kung alam ko lang na si jen pala yung gusto ni arthur..edi sana umiwas na lang ako diba? Kasi alam ko naman na sa huli ako rin ang masasaktan. Pero..ganun talaga eh..kapag nagmamahal, hindi mo talaga iisipin kung mapahiya ka man o masaktan sa dulo ang mahalaga..nagmamahal ka. Yun nga lang in my case, one sided love lang. Sana mapunta sila sa right path. At sana hindi sasaktan ni arthur ang pinakamamahal kong bestfriend. Kasi sa oras na saktan niya si jen, kahit pa babae ako o kahit pa...mahal ko siya, hinding hindi ko siya aatrasan. Ako ang makakalaban niya...

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon