Chap.11- Rain

39 2 14
                                    

Arthur's Pov

Josh Arthur Rodriguez ang pangalan ko... habulin ng babae,chickboy,basagulero at GWAPO..haha pero ang pinagtataka ko, bakit hindi ako nakikilala sa school namin..dahil siguro...over na ung pagkagwapo ko? ahehehe joke

Bestfriend ko si Hero simula pagkabata..nung elementary kami lagi kaming magkasama kahit nasa ibang school siya..malapit lang naman ang bahay namin sa isa't isa eh. Nung highschool naman sabay kaming naghahanap at nangbabusted ng nga chicks..sa amin kasi..ang mga babae ang nangliligaw tsk..nagmumuka lang silang desperada kaya tinuturuan namin ng leksyon...

pero sa hindi inaasahan.. iibig ako sa isang magandang babae na halos lahat ng lalaki sa university ay naghahabol sa kanya..nang magkaboyfriend siya parang bigla na lang gumuho ang mundo ko...para bang wala na akong pag-asa pa sa kanya kahit magbreak pa sila

Maganda,sexy,matangkad,mahaba ang buhok maputi at parang may maldita look pa. Akala ng iba ay suplada siya pero nung maging pareho kami ng club nakita ko ang mga ngiti,tawa at ang pagiging jolly niya. Kung akala ng iba ay cold,tahimik,suplada at hindi siya marunong makisama sa ibang tao..pwes, nagkakamali sila... salungat lahat iyun sa ugali niya..

Janella Ann Madrigal...yan ang pangalan ng babaeng tinitibok ng puso ko...simula nang ako'y 2nd year higschool hanggang ngayon na ako'y 1st year college na

nakakatuwa lang na hindi ko magawang aminin ang nararamdaman ko para sa kanya..pero hindi ko inaasahan ngaying 1st year college na kami magiging kaklase ko siya at makakasama ko pa siya sa isang project...

nung pagka-announce ni sir na magkagrupo kami..laking tuwa ko nun dahil makakasama ko siya..pero hindi siya ang partner ko.. si mandy ang partner ko at si jen at hero naman

ang sakit kasing makita yung taong mahal mo na may kasamang iba lalo pa yung bestfriend mo..alam ko namang hindi niya ako boyfriend pero hindi ko pa rin maiwasang magselos..

pero habang nagpapractice kami para sa play para bang tulala si hero at ganun din si jen.. nag-alala ako ng husto kay jen.. ano kayang nangyare sa kanya?..ok lang ba siya?.phew sana okay lang..

pagkatapos ng practice namin ay recess na..nakita ko sila ni mandy na sabay lumabas at parang nagmamadali pa

sinundan ko sila hanggang sa makarating sila sa hallway..wala kasing masyadong tao dito....nakita kong umiiyak si jen hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya dahil malayo ako sa kanya.. nagulat na lang ako ng buglang siyang tumayo at tumakbo..nakita ako ni mandy pero wala akong pake alam...sinundan ko si jen. nakita ko siyang sumakay sa kotse niya

aalis na siya?! ang dami pang susunod na klase ahh..

hindi na ako nagdalawang isip pa at sinundan ko na agad siya

sa sementeryo? anong gagawin niya dito?... sinundan ko siya kung saan siya nakaupo 3 meters away para hindi niya ako makita..narinig ko lahat ng sinabi niya sa lolo niya

hindi pala masaya ang pamilya nila... bumili muna ako ng noodles para may mahigop siya pagkatapos niyang umiyak.. pagdating ko sa convenience store parang uulan ata kasi umaambon...nang makapasok ako sa kotse ko..sabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.. nagmadali akong pumunta pabalik sa sementeryo..

umuulan na ng malakas pero nadun pa rin siya sa puntod ng lolo niya na nagpapaulan patuloy pa rin siya sa pag-iyak pero napansin kong parang nahihilo na siya..

kaya dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan niya at nagdala ng payong mawawalan na siya ng malay nung naabutan ko siya.

masakit para sa akin na makita yung taong mahal mo na umiiyak. triple pa yung sakit na nararamdaman ko sa sakit niya...

Fall in Love with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon