Chapter 3

23K 452 4
                                    


You can give without loving,but you can never love without giving.~Robert Louis Stevenson
---------------------------
FLASHBACK:

Lira PoV

"Okay class get a 1/4 sheet of paper and number it 1-10." Sabi ng prof namin habang papasok sa classroom.

Huh!? May test nga pala ngayon, di man lang ako nakapagreview.

Nagmadali akong kumalkal ng papel sa bag  pero kahit saang sulok ng bag ko wala. Ballpen, notebook at pulbo lang dala ko.

Hindi ko panaman kaklase si Cindy kaya wala akong paghihingan ng papel. Mula dati kasi  si Cindy ang ginagawa kong hingian ng school supplies, grabe talaga naka survive akong hindi bumili ng papel.

Lumingon ako sa mga kaklase ko pero mukhang naunahan na ako sa paghingi.

Pero nakita ko ang lalaking katabi ko na naglabas ng papel.

Kapalan mo na mukha mo Lira.

"Umm...pwedeng humingi? Hehehe promise sa susunod bibili na ako."
Tinignan ko ang katabi ko at napansin ko agad ang mukha niya. Ang tangos ng ilong niya at ang kinis ng balat. Yung mga mata niyang kulay asul ang ganda, may halong foreigner yata  si kuya.

Ano ba pinagsasabi mo Lira?! Baka yan pa ang masagot mo sa quiz!

"......" Tinignan niya lang ako ng walang gana at pumunit siya ng papel. Ang tahimik pala ni kuya.

Ibinigay niya sa akin ito at tinitigan niya ko sa mata, Napatitig din ako pero inilihis ko agad ang tingin ko.

"Hehehe salamat"

"....."  Bumalik siya sa ginagawa niya at hindi na ako pinansin.

Napaka awkward naman pala nitong taong to.

Pagkatapos ng klase, sabay kaming umuwi ni Cindy at ikinwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

"Wow Lira! Di ako makapaniwalang binigayan ka ni Daniel Andrews ng papel ang description kasi sa kabya dito sa school ay tahimik at ang mga barkada lang talaga niya ang pinapansin niya." Sabi ni Cindy na may ningning sa kanyabg mga mata. Parang papel lang naman ang hiningi ko nabibilib na siya. Hay sus...

"Kilala mo pala siya."  Sabi ko sabay taas ng kilay.

"Ano ka ba Lira! Si Daniel Andrews lahat ng tao dito sa campus kilala siya. Sa edad niyang 18 yrs. old may ari na siya ng isang company. Isa siya sa pinakabatang negosyante and take note gwapo pa. Kung ako papansinin nun hay nako baka himatayin ako"

"Ahh..." Sabi ko na wlang kaganagana, kaya pala mukhang yayamanin si kuya at snob. Pare-pareho lang kasi ang definition ko sa mga mayayaman mga snobbers sa katulad namin.

"Hey guys!"
Paglingon ko narinig ko na ang boses na hinahanap hanap ko mula kanina pa lang. Lumingon ako para masulyapan siya kahit saglit lang.

Hindi nga ako nagkamali si Warren iyon.

Agad siyang lumapit sa amin at kita ko nanaman ang kagwapuhan niya na hindi nakakasawang titigan.

"Hatid ko na kayo." Sabi niya habang ngumingiti. Nagiging chinito siya sa tuwing ngumingiti siya. Hindi lang siya gwapo, mabait pa.

"Hahaha nako tara na Lira di ba maglalakad pa tayo dali." Hinila ako ni Cindy papalayo na para bang may iniiwasan.

"Come on Miss Beautiful, kailan mo ba ako papansinin?" Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Warren kay Cindy natamaan nanaman ako sa realidad na wala akong pag-asa kay Warren dahil si Cindy ang gusto niya. Kung ako kay Cindy sasagutin ko na si Warren dahil matagal tagal na rin siyang nanliligaw,bihira lang s lalaki ang makakapaghintay ng matagal.

I Own You, LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon