Fairy tales are more than true: not because they tell us that dragons exist, but because they tell us that dragons can be beaten.
-Neil Gaiman, Coraline============================
Lira PoV
Pagkatapos ng pag-amin ko kay Daniel, madalas na ang pagbisita ko sakanya. Noong una, maraming tumutol pero di nagtagal sumang-ayon din sila sa relasyon namin.
Isinara ko ang pinto sa bahay bago umalis. Balak kong bumisita sa kanya ngayon. Mahirap ang sitwasyon namin, maraming limitasyon pero kahit na ganoon masaya ako sa piling niya.
Pagkabukas ko ng gate, tumambad sa pangin ko si Ben.
"Oh Ben, nandito ka pala." Bati ko sa kanya.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko."Pupuntahan mo ba si Daniel?"
"Oo, yun naman ang palagi kong ginagawa." Tawa ko.
"Wala nang dahilan para puntahan mo siya doon." Seryosong sinabi ni Ben.
"Bakit naman?" Pagtataas ko ng kilay. Naka trip nanaman siya mangasar ngayon.
"I mean it." Malamig niyang tono.
"Ha?"
Humakbang siya papalapit. "Hindi ka ba nagsasawang dalawin siya sa Mental?" In emphasize niya ang salitang mental na para bang nanloloko.
"Hindi." Napahawak ako sa gate.
"Are you afraid?" Mahinahon niyang tanong.
Hindi ko maintindihan ang ikinikilos niya.
"Ah-hindi." Utal ko.
"Do you trust me Lira?"
"What?" Taka kong tanong.
"Just tell me, yes or No."
"Oo naman."
Ngumisi siya sa sinagot ko. Nakita kong may hinablot siya sa likod at dali daling lumapit sa akin.
Handcuffs.
Bago pa ko makaurong, agad niyang kinuha ang kamay ko at ipinosas.
"Ben!" Bulyaw ko. "Anong ginagawa mo?!"
Sinakay niya ko sa kotse at sinumulan niyang iandar ito.
"Ben, hindi ka nakakatuwa." Matatalim na tingin ang ginawad ko sa kanya. "Pakawalan mo nga ko."
Tinawanan niya lang ako at pinagpatuloy ang pag-drive.
"Sabi mo pinagkakatiwalaan mo ko."
"Oo nga, pero ano bang ginagawa mo!" Sinusubukan kong buksan ang pinto ng kotse pero nakalock."Sa oras na malaman ni Daniel ang ginawa mo sig-"
"Nope." Pagputol niya. "He will not."
"Pakawalan mo ko!" Sigaw ko."Tinatakot mo ko."
"Lira, pagkatapos nito, siguradong magpapasalamat ka saken."
"Stop the car!"
"Mas masaya to kesa sa pagbisita mo sa kanya."
Gusto ko siyang hampasin gamit itong kamay ko na nakaposas, pero hindi pwede dahil siguradong mababangga kami. "Why are you doing this?!"
"Both of you trusted me, there's no going back."
Parang nag echo sa utak ko ang huling niyang sinabi.
Both of you trusted me, there's no going back.
Ang tanga tanga ko para hindi malamang all this time naloko niya ko. Gusto kong umiyak pero ayoko, ayokong maging mahina. Pinagdaanan ko na to at dahil doon lalo akong naging matatag.
BINABASA MO ANG
I Own You, Lira
RomanceAn obsess man that will risk everything just to own his girl of his dreams. He managed to kidnapped this girl, named Lira and imprison her in his house. Could she escaped from this crazy psycho despite of her condition? Or would she give up and acce...