You can search throughout the entire universe for someone who is more deserving of your love and affection than you are yourself, and that person is not to be found anywhere. You yourself, as much as anybody in the entire universe deserve your love and affection. ~Buddha
That' Lira on the pic ;)
--------------------------
"Okay guys, Makakauwi na kayo."
Sabi ng manager namin pagkatapos niyang inspeksiyunin ang coffee shop.Nakaayos na lahat ng lamesa at nakasara na rin ang mga bintana.
"Tara na Lira sabay ka na sa amin ni Warren,tignan mo gabi na baka ano pa mangyari sayo." Sabi ni Cindy na may halong pag-aalala sa mukha niya.
Barista kami ni Cindy habang si Warren naman ay waiter. Nagtatrabaho kami dito sa isang simpleng coffee shop na pagmamay-ari ng mga Chinese. Hindi nakakapagod ang trabaho namin dito dahil walang masyadong customers pero kahit na ganoon kilala ang shop na ito sa may pinakamasarap na kape.
"Hindi na Cindy, kaya ko na magisa."
Nakakahiya na sumabay sa kanila dahil halos araw-araw nakikisabay ako. Anniversary panaman nila Warren ngayon baka makasira ako ng moment."Matanda na si Lira,kaya na niya yan Cinds." Sabi ni Warren na may pataas-taas pa ng kilay.
"Pero maga----"
"Kaya ko na Cindy, anniversary niyo ni Warren di ba? Come on spend your time alone with him."
"Sure ka Lira?"
Tumango ako at nagsmile para mawala ang pag-aalala niya. Sanay na akong umuwi dati pa kaya wala namang problema kahit maglakad ako mag-isa, tutal malapit lang naman ang tinitirhan kong apartment.
"Hay nako Cinds,si Lira pa?Malakas yan!" Pagbibiro ni Warren sabay tanggap niya ng hampas sa braso mula kay Cindy.
"Basta magingat ka sa dadaanan mo Lira."
"Bye, una na kami." Hinila ni Warren si Cindy na para bang batang excited makauwi. Sa totoo lang kasama ko si Warren sa pagplano niya sa surprise party na ginawa niya para lamang kay Cindy, kaya alam ko kung gaano ka excited ang lalaking ito ngayon.
Kinawayan ko na lang sila habang hinahatid ni Warren si Cindy palabas ng shop. Sumunod na ako sa paglabas at pinanood sila na pumasok sa kotse na pagmamay-ari ni Warren. Oo mayaman si Warren pero nagtatrabaho pa rin siya sa shop para lang makasama si Cindy. Ang sweet niya talaga sana marami pang taong katulad niya.
Kumaway ulit ako sa kanila habang papaalis ang kotse na sinasakyan nila.
Hay nako Lira mukhang maglalakad ka ngayong mag-isa...
Naglalakad na ako ngayon sa madilim na eskinita, walang katao tao dahil 11:00 pm na ng gabi at buti na lang walang mga lasenggo na nakapaligid.
Kahit may kaba na nararamdaman tumuloy lang ako sa paglalakad.Liwanag lang ng poste ang nakikita ko at wala ng iba. Ang kaya ko nalang gawin ngayon ay maging matapang.
Hindi kasi ako sanay na umuwi ng ganitong oras pero ngayon lang naman nangyari na 11:00 pm ang labas namin dahil sa mga negosyanteng gumamit ng shop para sa isang meeting.
Pagkarating ko sa highway kung saan marami nang nakapaligid na mga ilaw mula sa mga sasakyang dumadaan, may napansin akong van na lumapit sa gawi ko. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay biglang bumalik. Binilisan ko ang pag-lalakad ngunit para talagang sinusundan ako.
Tumakbo ako ng mabilis pero nasundan parin ako. Lumiko ako patakbo at bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto mula sa van at dito ko na naramdaman ang kinakatakutan ko.
May sumusunod sa akin.
Ang pagyabag ng sapatos niya ang dahilan kung bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Para bang anumang oras ay mahuhulog ito.
Tumakbo lang ako ng tumakbo papunta sa mga kabahayan para makahingi ng tulong.
Pagtingin ko sa likod, konting hakbang na lang ay maaabutan na niya ako. Hindi ko gaanong masilayan ang taong papalapit sa akin pero ang alam ko lang ay naka itim siya na jacket at pantalon.
Mabilis akong lumingon sa harap pero naramdaman ko na ang mainit na kamay na humawak sa kaliwa kong braso. Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit, pilit ko itong tinatanggal pero sadyang malakas talaga siya. Sumigaw ako habang ramdam ko na ang pag tutubig ng gilid ng mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Itinalikod niya ako dahilan para makita ko ang mukha niya. Pero nabigo pa rin ako, nakatakip ang mukha niya ng panyo at mukhang kasing edad ko lang siya hindi ganoon kalaki ang katawan niya pero sapat ang lakas niya para kayanin ako. Nang bigla akong naka kuha ng tiyempo itinulak ko siya pero nabigo ako dahil wala akong lakas para gawin iyon. Patuloy ako sa pagluha habang hinahampas ko siya.
"Pakawalan mo ko!" Sigaw ko.
Mukha talagang walang nakakarinig sa akin kahit anong ingay ko. Nasa kalagitnaan kasi ako ng eskinita kaya malayo pa ang mga kabahayan.Nakita ko ang kaliwa niyang kamay, may idinukot siyang isang panyo.Bigla niya itong inilagay sa mukha ko.
Sumisigaw ako at pumapalag pero ng bigla kong nalanghap ang chemical na nasa panyo nakaramdam ako ng pagkahilo dahilan para bumagsak ako.
Naramdaman kong ibinuhat niya ako patalikod. Nanghihina ako at lumalabo ang paningin ko, hindi ko na alam kung saan niya ako dadalhin.
"Tulong..." Gustuhin ko mang sumigaw pero bulong lang ang nagawa kong tunog.
"Don't worry Lira...
I am already helping you."Narinig ko ang mga salitang sinambit ng taong dumukot sa akin...
Pamilyar ang boses niya pero di ko na talaga kayang alalahanin kung sino pa siya.
Umiikot na ang paningin ko, hindi ko na kayang magisip ng maayos at ang iniintindi ko na lang ngayon ay kung paano lalabanan ang antok ko.
Pero nangyari pa rin ang kinakakatakutan ko.....
Nawalan ako ng malay
---------------------------
Any thoughts?
Please vote ang comment ;)
BINABASA MO ANG
I Own You, Lira
RomanceAn obsess man that will risk everything just to own his girl of his dreams. He managed to kidnapped this girl, named Lira and imprison her in his house. Could she escaped from this crazy psycho despite of her condition? Or would she give up and acce...