Lots of people want to ride with you in the limo, but what you want is someone who will take the bus with you when the limo breaks down.
~Oprah Winfrey------------------
Someone's PoVGabi na natapos ang trabaho nila Cindy at Warren sa coffee shop.
Dito napag-desisyunan ni Cindy na kausapin si Warren tungkol sa nangyari kaninang umaga.
Bakas sa mukha nila ang pag-aalala matapos pag-usapan ang nangyari.
"Damn it! Kasalanan ko to, kung sanang sinabayan na natin siya pa-uwi, hindi mangyayari lahat ng to." Singhal ni Warren.
" Hindi na natin kailangan sisihin ang sarili natin Warren, ang kailangan natin ngayon humingi ng tulong sa mga pulis." Sabi ni Cindy habang tinatapik ang balikat ng binata.
"Kung sino man gumawa nito sa kanya sisiguradihin kong mabibilanggo siya." Galit na sabi nito.
Agad na kinuha ni Warren ang kaniyang phone mula sa kanyang bulsa at i-dinial ang numero ng police station.
"Sinabi ba niya kung sinong dumukot sa kanya?" Pagtatanong niya habang hinihintay ang pag-tawag ng mga pulis.
"Unfortunately, hinde. May narinig akong boses ng lalaki pero agad namatay yung phone." Malungkot na pahayag ni Cindy.
"Sino naman kaya ang gagawa ng bagay na iyon?" Naguguluhang tanong ni Warren.
Biglang tumunog ang phone at nagsimulang magsalita ang tao sa kabilang linya.
"Hello po, May nalaman na po kami tungkol sa pagkakawala ni Lira Amora." Seryosong sagot ni Warren habang nakikipag-usap sa telepono.
~ Police Station
Pagpunta nila sa istasyon ng pulis, sumalubong sa kanila ang isang matabang pulis na may bigote sa mukha. Abala ito sa pagkakalikot ng mga files kaya hindi niya napansin ang dalawa.
"Chief, may irereport po kami tungkol sa pagkakawala ni Lira Amora." Tumigil ang pulis sa ginagawa nito at ibinaling ang pansin sa dalawa.
"Oh, kayo pala. Pasensya na kayo busy ako sa paghahanap ng files. May nalaman na ba kamo kayo? Sige makikinig ako." Sagot ng pulis. Naglabas ito ng isang notebook at ballpen, tila handa itong makinig sa anumang ikukwento ng dalawa. Kilala na sila dito dahil nagfile sila ng report mula nang araw na nawala ang dalaga.
Makaraang makwento nila ang nangyari. Umalis saglit ang pulis para ipasa ang kanyang nakalap na impormasyon.
Sa pagbalik ng pulis, humarap siya sa dalawa at pinasunod sa isang opisina.
Umakyat sila sa ikalawang palapag at nadatnan nila ang kaisa-isang pinto sa lugar.
"Pumasok kayo." Pinagbuksan ng pinto ang dalawa at naglakad na papalayo ang pulis.
Nasalubong nila ang isang binata na kasing edad lamang nila. Bahagya itong maitim pero mababakas sa kanyang mukha ang kagwapuhan. May isang folder na akalapag sa kanyang lamesa at tila hinihintay lamang ang dalawa sa pag-upo bago ibukas ito.
"Good Afternoon, take your seats." Bati ng detective.
"Hello po." Masayang bati ni Cindy.
Ngumiti ang detective sa dalaga. Hinawakan ni Warren ang balikat ni Cindy matapos makita ang ningning sa mga mata nito. Matapos mapansin ito ng detective ngumisi na lamang siya.
Naunang umupo si Cindy sa kanan at sumunod naman si Warren sa tabi nito.
"Goodafternoon Sir." Magalang na bati ni Warren.
BINABASA MO ANG
I Own You, Lira
RomanceAn obsess man that will risk everything just to own his girl of his dreams. He managed to kidnapped this girl, named Lira and imprison her in his house. Could she escaped from this crazy psycho despite of her condition? Or would she give up and acce...