Many of life's failures are people who did not realize how close they were to success when they gave up. - Thomas Edison"
---------------------------Lira PoV
"Tama na..." Bulong ko. Ayoko nang aalalahanin pa ang nakaraan, lalo ko lang naalala kung gaano ako nagpakatanga.
Mahigit 30 minuto na kong nakababad sa bathtub, tinignan ko ang aking braso. Bakas pa rin ang sugat na natamo ko pero unti-unti nang naglalaho ang sakit.
Mas mabuting isipin ko kung paano ako makakatakas. Ayoko na talaga dito, bukod sa sakit na nararamdaman ko nakakaloko din ang mga ikinikilos ni Daniel.
Marry me.......so? Kailangan ko siyang pakasalan para pakawalan niya ko? Pero parang ganoon na rin yon, nakakulong ako sa piling niya. Siguradong mababaw nanaman ang dahilan niya para pakasalan ako.
Wala na bang ibang paraan!?Hindi ko pinangarap na pakasalan ang taong nanakit sa akin at higit sa lahat hindi ko mahal.
Pero kanina, kinain ko ang pagkaing hinain niya at nagiba ang kanyang pakikitungo.
Napangiti ako sa ideyang pumasok sa utak ko.
Kukunin ko ang loob niya at pagkatapos niya akong pagkatiwalaan doon na ko makakahanap ng tiyempo para makatakas. Hanggat kaya ko, ipaparamdam ko sa kanyang mahal ko siya. Gusto kong maramdaman niya kung paano umasa.
This time magagamit ko na ang acting skills ko para mapaniwala siya.
Matapos kong magbabad, kinuha ko ang towel at pinalupot ko ito sa aking katawan.
Kinuha ko ang suklay na nakalagay sa drawer at sinuklayan ang aking buhok. Sunod kong kinuha ang sweater at pants na ibinigay ni Daniel.
Lumapit ako sa salamin habang tinitignan ang sarili ko.
"Kaya mo to Lira." Bulong ko.
Isinuot ko ang damit na ibinigay ni Daniel. Mabuti't hindi siya nagbigay ng damit na maikli, may utak rin pala ang halimaw na iyon.Pumunta ako sa pinto at binuksan ito ng bahagya. Sumilip ako kung nandoon siya....pero wala.
Buti naman. Lumabas ako mula sa pinto at isinara ito.
Nang humarap na ako nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa tabi ng banyo.
.
.
.
.
Humarap ako pakanan at bumungad sakin si Daniel na tanging short ang suot at walang pangitaas. Dalawa pala ang banyo dito. Nakalagay ang towel sa leeg niya, kakaligo rin niya. Biglang tumungo ang paningin ko sa gitna.Jusko, lantad ang six pack abs niya at ang buhok niya na basang basa." Like the view?" Narinig ko ang pagngisi niya at minadali kong inilihis ang tingin ko.
Nakaramdam ako ng paginit ng mukha...kadiri. Lumakad ako papalayo pero hinawakan nanaman niya ang braso ko.
"Where are you going?" Sabi niya. Habang nakaharap pa rin ako sa patutunguhan ko.
"..." Hindi ako sumagot dahil mismong ako hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko sanang sagutin na lalayasan ko siya pero bigla kong naisip ang ideya ko kanina.
"Look at me." Rinig ko.
Ramdam ko nanaman ang kaba, pero kailangan ko nang simulan ang pinaplano ko.
Humarap ako sakanya at nginitian siya habang tinitignan ang mukha niya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya...sige lang Lira kaya mo yan.
Itinaas niya ang kaliwa niyang kilay at napangiti ng bahagya sa labi.
Hindi siya umimiik ng ilang segundo.
Ramdam ko ang katahimikan na namagitan sa aming dalawa."Saan ako matutulog?" Pagbasag ko sa katahimikan. Ibinalik ko ang mukha ko sa pagiging seryoso ganun rin siya.
BINABASA MO ANG
I Own You, Lira
RomanceAn obsess man that will risk everything just to own his girl of his dreams. He managed to kidnapped this girl, named Lira and imprison her in his house. Could she escaped from this crazy psycho despite of her condition? Or would she give up and acce...