Some women choose to follow men, and some women choose to follow their dreams. If you're wondering which way to go, remember that your career will never wake up and tell you that it doesn't love you anymore.
Lady Gaga---------------------------
Lira PoVWala akong dalang cellphone o kahit anumang bagay na mapaggagamitan para makatawag.
Hanggang ngayon kumikirot pa rin ang braso ko, sinubukan ko itong galawin pero lalong sumasakit.
Naglakad ako papunta sa bintana, Sumilip ako, dumidilim na ang kalangitan.
Siguradong nagtataka sila kung bakit hindi ako pumasok sa trabaho o kaya naman umuwi sa apartment ko.
Ako lang ang mag-isang nakatira sa apartment dahil ang mga magulang ko ay may kanya-kanya ng pamilya. Kahit na ganoon,sinusoportahan parin nila ko at hindi na ako nagtanim ng galit dahil wala rin namang magbabago.
Nagsisimula nanaman ang mga mata ko sa pagluha kaya minabuti kong punasan kaagad to.
Narinig ko ang mga yabag ng sapatos na ayaw kong marinig.
Siguradong si Daniel yon.
Unti-unting bumukas ang pinto.
Lumingon ako at nakita ko siyang papalapit sa gawi ko.
Naka suot siya ng puting tshirt at itim na maong."Utang na loob Daniel paka----"
Hinawakan niya ang kabila kong braso at hinila papaalis.
"Anong gagawin mo!?"
Sobrang higpit ng pagkakahawak niya, sinisigurado niyang hindi ako makakatakas. Lalo niya lang dinadagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Lumabas kami sa kwarto kung saan niya ako ikinulong. Bumaba kami ng hagdan at nasa kusina kami ngayon.
Hinila niya ako papunta sa lamesa.
"Sit."
"Daniel kailan mo ba---"
"Your hungry right?"
Tinignan ko ang lamesa at nakita ang mga pagkaing nakahain sa harapan ko. Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom pero ayoko, ayokong kainin itong pagkaing galing sa kanya.
"Ayoko." Pagmamaktol ko.
Inusog niya ang upuan sa harapan at pinwersa akong pinaupo.
"Ano ba Daniel kanina mo pa ko sinasaktan?!"
"If you don't want to get hurt then eat."
Tinignan ko ang nakahain sa lamesa fried chicken, buttered bread, soup at juice. May kutsara, tinidor and bread knife.
"Hinding hindi ako kakain hanggat hindi mo ko pinapakawalan."
"Oh come on sweetheart, I don't want you to get starve."
"Ano ba kasalanan ko sayo Daniel bakit kailangan pang humantong sa ganito?"
"For existing in my thoughts all the time sweetheart."
Nagulat ako sa sinasabi niya, 4 years na ang nakakaraan pero nagagambala pa rin ba siya sa mga nangyari dati?
"Wala akong pake sayo Daniel."
Ibinalik ko ang mga katagang binitawan niya dati.Kita ko ang lungkot sa mga mata niya na naramdaman ko tulad ng dati.
"Lira I was just t---"
"Kahit kailan hindi ako susunod sa mga pinagsasabi mo!"
Sigaw ko. Tumayo ako at kinuha ko ang kutsilyo. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
I Own You, Lira
RomanceAn obsess man that will risk everything just to own his girl of his dreams. He managed to kidnapped this girl, named Lira and imprison her in his house. Could she escaped from this crazy psycho despite of her condition? Or would she give up and acce...