Chapter 9

14.8K 349 3
                                    

A/N: Sorry sa late update and thanks for reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~******~~~~~~
The biggest coward is a man who awakens a woman's love with no intention of loving her.
- Bob Marley
______________________________

Lira PoV

Ramdam ko ang lambot ng unan at kumot na nakapalupot sa akin.Para bang nakahiga ako sa ulap.

" Ayoko nang gumising..." bulong ko.

Dahil na rin sa lamig kaya dinadalaw pa rin ako ng antok.

Habang sarap na sarap ako sa paghiga sa malambot na kama.Biglang bumalik sa utak ko na nasa kwarto pala ako ng halimaw na iyon.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Una kong sinulyapan ang kondisyon ng braso ko. Naghihilom na ang sugat at kaunti na rin ang kirot.

Oo nga pala, si---

Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko si Daniel na himbing sa pagtulog sa sofa.

Kaunti na lang malalaglag na siya sa kinahihigaan niya, halatang hindi siya kasya sa sofa. Mukha siyang ewan.

"Hehe-" napatawa ako pero agad ko itong pinigilan. Ano ba Lira?! Bagay niya lang yan!

Naalala ko pala ang nangyari kagabi.Nagmaktol ako na hindi ako matutulog kung magkatabi kami sa kama.

Mabuti't pumayag siya dahil siguro sa pagiyak ko kahapon, arte lang yong pagiyak ko....tama kasama yun sa plano.

Napatingin ako sa pinto, hanggang ngayon hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang makakalaya ako dito.

Naglakad ako ng dahan dahan papunta sa pinto. Ibinalik ko ang tingin ko kay Daniel at kita ko pa rin siya na patuloy lang sa pagtulog. Inikot ko ang door knob.

Laking tuwa ko nang bumukas ang pinto. Minadali kong lumabas at dahan-dahan itong isinara habang sinusulyapan ko si Daniel kung tulog pa siya.

Halong tuwa at kaba ang naramdaman ko habang pababa sa hagdan. Patuloy lang ako sa paglalakad at sa wakas nasa ikalawang palapag na ko.

"Saan na nga ba yun" Bulong ko. Hindi ako makapaniwalang naligaw ako, malas!kung kailan nakahanap na ako ng tiyempo!

Sa paglakad ko, nakarinig ako ng pagkalansing ng pinto sa harapan ko. Umikot ako kaagad pero huli na.

Nakaramdam ako ng kamay sa kaliwa kong balikat. Imposibleng si Daniel to' dahil nandoon lang siya sa kwarto hindi naman siya si Goku para makapagteleport.

"Sino ka?" Rinig ko ang boses ng isang lalaki. Tama nga ako, hindi si Daniel to.

Humarap ako sa kanya, nakita ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang tangkad niya at maitim ng kaunti. Mukhang kasing edad lang siya ni Daniel.

"Miss, asan si Daniel?" Tanong niya habang nakangiti, maitim nga siya pero ang puti ng mga ngipin niya.

"Uhh..." Wala akong maisagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"Hmp, bagong maid ka siguro noh? Sana magtagal ka hehehe." Kinindatan niya ako na para bang may ibig siyang pakahulugan. Tinapik niya ang balikat ko at naglakad papalayo.

Lira, huwag mo siyang papakawalan...ito na ang chansa mo para makahingi ng tulong!

"Te..ka!" Sigaw ko.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Kinamot niya ang kanyang ulo. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at ngumiti.

"Naalala mo na ba kung nasaan si Daniel?"

Umiling ako sa sinabi niya.

"Tulungan mo ko." Bulong ko, tinignan ko siya sa kanyang mga mata at gayun din siya. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

I Own You, LiraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon