4. Effective Advice

81 0 0
                                    

Chapter 4. An Effective Advice

Bryan's POV

Nung nakita ko si Amber na nag-iisa, kating kati yung paa ko na lapitan siya. Hindi ko alam 'tong nararamdaman ko, kung nagagandahan lang ba talaga ako sakaniya o ewan, nanlalambot kasi ako pag nandyan siya. Lahat ng tapang ko, angas ko, nag-vavanish ng parang bula. Nak ng! Nakakabakla! Hahaha!

Nandito nanaman ako sa tambayan namin ng barkada ko. Si Steven, may hawak na gitara. Si Red, naglalaro sa cellphone niya. Si Christian, may hawak na bola ng basketball, naglalaro sila ni James pero dribble dribble lang tapos magpapasahan ng bola.

Ako? Wala. Nag-iisip. Hindi ko na alam yung gagawin ko! Alam ko, gusto ko lang si Amber. Crush. Pero, ah sht! Ano ba 'to!

"Pre."

Lumingon sakin si Red. Pinause niya yung nilalaro niya.

"Oh?" Tanong niya.

"Kamusta kayo ni Zoey?"

"Ah, close kami. Bakit?"

"Anong ginawa mo para maging close kayo ng ganun?" Tanong ko.

"Nilapitan ko siya, nakipag-kaibigan ako, tapos pinagkakatiwalaan ko siya."

"Ah, pre sa tingin mo, anong gagawin ko para maging close kami?"

"Close nino?" Umayos siya ng upo at tumingin sakin ng diretso.

"Amber."

"Ah, yung kaibigan ni Zoey na tulala nung nakaraan."

"Oo, paano pre? Tulungan mo naman ako, pag naging close kami, pangako, sasabihan ko siyang ilakad ka kay Zoey."

"Geh."

"Oh, paano gagawin ko?"

"Gawin mo, lapitan mo siya, makipag-usap ka, magkwento ka. Naaappreciate ng mga babae pag pinagkakatiwalaan sila ng mga lalake. Tapos, ang gawin mo, ipakita mo sakaniyang importante siya sayo. Itext mo, kamustahin mo, batiin mo ng good morning! Tamo, mapapalapit loob nun sayo. Wag kang mahihiya dahil pre, wala kang mapapala kung magiging torpe ka. Wala kang mapapala kung pangungunahin mo yang hiya. Wala kang mapapala kung tititigan mo lang siya sa malayo. Dahil sa ganda niyang yun, hindi imposibleng walang gumawa sakaniya ng ganun bukod sayo."

Nahilo ako, ang dami niyang sinabi. -_-

"Eh paano pag ayaw niyang makipag-kaibigan?"

"Ipakita mo lang sakaniya na gusto mo siya maging kaibigan, pag nasanay na yun sa presensya mo, maninibago yun at mamimiss ka pag nawala ka na."

Hindi naman pala bulok sa babae 'tong si Red. Mas magaling pa pala sakin 'to.

"Kasi nanghihina ako pag nandyan siya kaya minsan hindi ko alam gagawin ko."

"Alam mo, normal lang naman sa lalake yan. Kahit anong paghahanda ang gawin mo, wala rin yun kung mahihiya ka. Magpakatotoo ka lang, maging komportable ka sakaniya. Masasanay ka rin. Tingnan mo kami ni Zoey."

"Anong gagawin ko ngayon?"

"Gumawa ka ng bagay na ikakabigla niya, yung masosorpresa siya."

"Gaya ng?"

"Diskarte mo na yan pre."

"Salamat!" Sabay takbo ko palabas ng tambayan at tumakbo papunta sa room nina Amber. Ilang minutes nalang naman na recess na din nila.

Andito na 'ko sa tapat ng room nila, hinga Bryan. Inhale, exhale.

"Ma'am, may I speak with Miss Sy?"

Imagining My Future Boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon