Chapter 13. The plan
(AN: This chapter will be in Zoey's POV para maexplain niya kung ano yung sinabi niya kay Bryan sa last chapter. Hehe, super short chapter btw sorry and thanks! xx)
Zoey's POV
Papasok na 'ko ng school, grabe ang aga ko ata ngayon? Akalain mo nga naman.
Kinuha ko yung bag ko sa sofa at magpapaalam na sana kina Mama't Kuya na aalis na 'ko ng tumunog yung cellphone ko. Peste, abala! Pag ikaw hindi si Red papatayin kita!
Number lang? Uh, scary. Alam niyo ba, natatakot ako kapag may tumatawag sakin ng number lang? Feeling ko kasi masama. Paranoid.
"Ano tititigan mo lang yan? Hindi mo sasagutin? Abnormal talaga, pucha." Si Kuya. Siraulo 'to.
Sinagot ko nalang yung tawag. Sino kaya 'to?
"Hello? Who's this?" Tanong ko.
[Hi Zoey! Kumusta ka na?] Ay g*go hindi ko 'to kilala.
"Who you?"
[Si Chris 'to! Nakalimutan mo na ba?] Kapal ng mukha ng kupal na 'to, tapos iwan si Amber eh tatawag tawag ngayon?
"Bakit ko pa tatandaan yung taong matagal ng hindi parte ng buhay namin?"
[Ouch, Zoey. Hahaha! Ikaw talaga.]
"No, I mean it."
[Okay, okay! Pero gusto ko lang sana sabihin sayo na babalik ako dyan for a vacation. I don't know when, pero malapit na. Hopefully? Gusto ko na makita si Amber, miss ko na siya.] Ang landi! Ngayon babalikan niya si Amber?! Ugh, hindi ko talaga gusto yang si Chris.
"Kfine. Bye." At binaba ko yung phone.
Why? Hindi ko alam. Oo, mabait siya. Dati pa alam kong seryoso siya kay Amber. Pero simula nung iwan niya si Amber, naging miserable bestfriend ko 'no! At ang kapal talaga ng mukha niyang sabihin na namimiss niya si Amber! Sobrang kapal ng mukha.
Kung babalik siya para suyuin pero sasaktan lang ulit ang bestfriend ko, wag na. Hindi namin kailangan niyan. I prefer Bryan! He's a good guy. Feeling ko lang. I still don't know kung seryoso talaga siya kay Ambs.
I need to do something to stop this madness. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi sila magkabalikan ni Amber. Tawagin mo na 'kong pakielamera. But if this is the only way to stop my bestfriend from hurting, then I'll take the risk.
Pumasok ako ng school, nakakabadtrip talaga. Sinira nung Chris na yun yung araw ko!
Kasunod ko lang si Amber pumasok, nakita ko yung sinakyan niyang tricycle.
Pero hindi ko siya tinawag kasi baka ano lang masabi ko.
Nandito na kami sa may tapat ng pinto. Aba ang bruha, feeling Chichay. Binatukan ko nga.
"Chichay ka na niyan?" Natawa yung iba naming kaklase, pero ako dumiretso na sa upuan ko. Mukhang naka-move on na siya kay Chris ah? Sana nga. Ayoko na makita yung bestfriend ko na umiiyak dahil lang sa lalake.
Nakaisip ako ng plano para hindi na niya balikan si Chris incase bumalik si Chris, and I need to do it as soon as possible. Hindi pa sure kung kailan talaga ang balik ni Chris.
Kailangan mainlove ni Amber sa iba.
And that guy should be Bryan. Wag lang niya sanang sasaktan si Amber.
Nahuli ako ni Amber na nakatingin sakaniya.
I'm doing my best, para hindi ka na masaktan. My dear bestfriend.
Nung uwian, hindi ako sumabay kay Amber sa pag-uwi. Kailangan ko ng sabihin 'to kay Bryan.
Kasama ko na ang aking gwapong boyfriend na si Red, char! Hehehe. Gwapo niya talaga!
Hinalik-halikan ko siya sa cheeks. Ang gwapo talagaaaaa! Meghed.
"Uy, easy ka lang. Namiss mo talaga ako no?" Ayus. Haha! Totoo naman eh. Namiss ko talaga siya.
"Oo naman!" Tapos hinalikan ko siya ulit.
"Siyempre miss na din kita. Miss na miss na miss!" At sa sobrang tangkad niya, hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko. Sweet gesture, I guess?
Nagpunta na kami dun sa kung saan namin kikitain si Bryan.
At syempre, sinabi ko din kay Red kung ano yung plano ko. Baka magselos siya kay Bryan eh.
"Uy, Bryan." Sabi ko.
"Hi Zo." Sagot naman niya.
"Oh, hanggang ganiyan lang dapat kayo ah. Babantayan ko kayo baka ano gawin mo kay Zoey, Bryan ah. Loko ka pa naman." Sabi ni Red. Oh? Nasasabihan niya ng ganun bestfriend niya?
"Oo, oo. Nakakasakit ka naman ng feelings. Hahaha!"
Umupo ako dun sa table for two. At itong Red, nakabantay talaga. I need to get rid of him right now. Haha!
"Red, bili mo naman ako ng makakain. Gutom na talaga ako please? Please?" Nag-pacute pa ko, shet. Di bagay.
"Sige, saglit lang ako. Bryan umayos ka ah!"
"Oo! Wala ka bang tiwala saken?" Sabi naman ni Bryan ng nakangisi. Nakaupo na pala siya sa tapat ko.
At umalis na si Red.
"Bryan, didiretsuhin na kita. Kailangan mo mapa-fall si Amber sayo asap." Sinabi ko na.
"Ha? Bakit naman? Eh diba nililigawan ko naman siya?"
"Oo, pero may darating kasi na tao na pwedeng makapaghiwalay sainyo." Though hindi pa sila. Hehe, yun nalang sinabi ko.
"Sino naman yun?" Tanong niya.
"Isang childhood friend. Na nanakit kay Amber."
"Sinaktan niya si Amber? Aba, nambubugbog pala yang kaibigan niyo eh! Hindi na kailangan, babanatan ko nalang yun! Yun lang pala eh."
Binatukan ko, siraulo eh. Walang common sense. Syet!
"Tange! Hindi physically! Niloko niya si Amber!" Niloko ba talaga ni Chris si Amber? Ay ewan. Basta yun na yon.
"Tapos ano naman makukuha ko?" Tinaasan niya 'ko ng isang kilay.
"Amber's heart. Only if you succeed."
"Ayos! Gusto ko yan. Kailan ba magsisimula?"
"Later? Tomorrow? Basta as soon as makakausap mo siya, gawan mo na ng paraan!"
"Sana mainlove nga siya."
Ngumiti ako, sana seryoso ka nga kay Amber.
"Ganun lang ang gagawin mo ha?"
"Ah, Zoey. May nagtext ata sayo." Sabi ni Bryan.
"Yeah" At kinukha ko yung phone ko, si Amber nagtext.
Bye Bes! Enjoy nalang kayo ni Red. Una na 'ko, see you tom! Love you! :*
Sorry, Amber. Sana wag kang magalit samin. Ginagawa ko lang 'to kasi ayokong masaktan ka.

BINABASA MO ANG
Imagining My Future Boyfriend (on-going)
Teen FictionA girl who simply dreams about having her future boyfriend, but.. How long?