14. Make Her Fall

60 1 0
                                    

Chapter 14. Make Her Fall.

Ayun, umuwi ako ng mag-isa pero no worries, para namang first time ko umuwi mag-isa. Hay, hindi ko na alam. Masaya ba talaga ako? Galit ba sakin si Zoey? May nagawa ba 'kong masama? Anxiety, ugh.

Tinutulungan ko ngayong magluto si Yaya ng paborito namin ni George, Sinigang na Bangus.

Birthday niya na nga pala next month, hay. Wala parin akong ipon pambili ng regalo niya, ano kaya pwedeng mabili? Bag? Damit?

"Amber, tikman mo nga kung pwede na yung asim." Tanong ni Yaya.

Tinikman ko yung sabaw, "Ayan, Ya! Tamang tama. Sarap! Teka," dumungaw ako sa sala para utusan si George na nanonood ng TV para tawagin sina Mommy.

"George! Kakain na, tawagin mo sina Mommy!"

Narinig ko yung yabag ng paa niya paakyat sa taas kung nasaan sina Mommy.

"Mmmm. Ang bango, mukhang sarap ng luto ni Ate ah." Sabi ni Daddy pababa ng hagdan.

Nice naman! Hahaha.

"Pinaghirapan namin ni Yaya 'yan!" Pagmamalaki ko sakanilang lahat.

Nakaupo na kaming lahat sa hapagkainan, pati si Yaya kasabay namin. Hindi naman siya naiba, parang pamilya nadin namin siya.

"Tingnan nga natin kung masarap 'to! Pag nagustuhan ko 'to may surprise kami sayo." Sabi ni Mommy atsaka sinubo yung kanin na may ulam.

"Grabe! Porke tamad ako sa bahay eh." Sabi ko at natawa silang lahat. Pero hindi naman talaga ako tamad, naglilinis nga ako ng kwarto eh.

Susubo na sana ako ng may nagvibrate sa bulsa ng shorts ko.

Nagtext si Bryan! Nagtext si Bryan! Teka hinga, hinga, hooh, hooh.

"Oh ate, bakit ka pinagpapawisan eh may electric fan naman."

Hindi ako nakasagot, bagkus nginitian ko nalang yung kapatid kong nagtatanong.

Biglang tumalon yung puso ko ng nakita kong si Bryan yung nagtext, syet naman eh. :">

Hi Amber. :)

OH! Dalawang letra lang yan pero buo na gabi ko! Parang nawalan ako ng gana bigla kumain sa sobrang kaba.

Nireplyan ko ng patago,

Why?

At kumain ako ng mabilis. Bakit ang tagal niyang magreply! Ugh.

Anong ginagawa mo?

Naman ih! Teka bakit ba ako ganito kung kiligin nakakaasar naman oh.

Maghuhugas na ng plato. Katatapos ko lang kasi kumain eh.

Sent.

Kailangan ko ng tapusin 'to ng mabilis para mareplyan ko na. Hay nako, hindi na nga lang ako magmamadali. Eh ano ngayon kung hindi ako makapagreply agad, diba? Duh.

Nang matapos sa hugasin, umakyat na 'ko sa kwarto ko at humiga sa kama.

Text mo 'ko pag tapos na ah?

Nireplyan ko,

Katatapos lang. Ikaw? Ano gawa mo?

Pagkasend, dun ko narealize na tinutuloy ko yung usapan. Baka ano isipin niya mag-assume pa siya, shocks.

Siya,

Eto, kauuwi lang. Nagbasketball pa kasi kami. Busy ka ba?

Ako,

Imagining My Future Boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon