3. Her Thoughts and Imaginations

99 3 2
                                    

Chapter 3. Her Thoughts and Imaginations

Amber's POV

Andito na 'ko sa bahay, walasjo. Nakakainis kasi yung teacher na 'yon! Pwede naman akong sawayin, bakit pa ako pinalabas ng room! Bakla talaga yun! BWISET! Yan tuloy, nung nag-lunch, kawawa ako, mag-isa. Ayoko muna kasi sumama kay Zoey, nahihiya ako. Napahiya ba naman ako sa buong Class B! Ganun kasi ako, ayoko munang sumama kahit kanino pag medyo napapahiya. :/

At habang nag-iisa ako, sakto, nandun si Bryan kasama ang tropa niya except kay Red. Ah, oo nga pala. Taga-Class C na din si Bryan. Well, okay lang naman.

Nilapitan niya nga ako eh, tinatanong kung nasan si Zoey sabi ko nasa room. Tapos kung bakit daw ako nag-iisa, kung bakit daw parang ang init ng ulo ko. Sinagot ko lang yung tanong niya at umalis na din ako.

Wala namang namamagitan samin eh, wala naman siyang ginagawa, simula nung sinabi niyang gusto niya 'ko, yun lang yun. I was expecting but no. Wala.

Oy wala akong gusto sakaniya ha? Syempre, pag may umamin sayong lalake na may gusto siya sayo, mag-eexpect ka na susuyuin ka diba? Pero yung sitwasyon at pagtrato namin sa isa't isa, casual lang kami.

At ngayon, nakahiga na ako sa kama. Tapos na lahat ng gawain, assignments, household chores, internet, basta! Ready to sleep na.

Napaisip ako, nakatingin sa kisame..

Paano kaya ako liligawan ni Mr. Right?

"Amber, Amber! Labas ka dali! May sunog!" Sigaw ng babae.

HA?! SUNOG?! Agad agad akong sumama sa babaeng tumawag sakin. Hinila niya ako papuntang quadrangle ng school namin kung saan nandun ang stage, basketball court, volleyball court, at malapit lapit na din sa parking.

"NASAN YUNG SUNOG?" Sabi ko ng nakasigaw.

"Hihihi, hagikhik ng mga babae. Wala namang sunog eh? -_-"

Wala naman kasi akong maamoy na usok, wala din akong makitang usok! So saan ba? Niloloko ba ako nito?

"OMYGEE! ANG HOT!" Sigaw ng mga kababaihan.

"TRUEEE! SHEMS! PINAGPAPAWISAN NA AKO!"

Hindi naman mainit. -_- Niloloko lang naman pala ako ng mga 'to, papaalis na sana ako ng----

"May I call on Miss Amber Luis Sy?" Boses ng isang lalake.

Lumingon ako and--- O.O!!! Anong ginagawa niya! Bakit siya may gitara? Haharanahin niya ba ako?!

"Ikaw ang mag-ddrums remember?" Ay. Yun naman pala. -_- Hay, pero hindi naman ako nag-ddrums! PIANO ANG TINUTUGTOG KO!

"I was just kidding, please come here up stage, I have something important to tell you."

Nahihiya akong umakyat ng stage.

"Hi everyone, I am here infront of you to show you all my feelings towards this girl beside me." MY-OH-MY! Eto na ba yun? :">

Kinantahan niya ako and sinabi niya sa maraming tao yung..

"Amber, will you be my girlfriend?"

MAGANDANG WAY YUN HA? Mygosh, kinikilig ako! Haharanahin ka sa harap ng madaming tao, PWEDEEEHHH! Haha!

Eh paano kaya kung...

Papalakad na ako sa street namin, galing ako ng school, hay, nakakapagod. Alas sais na! Takte. -_-

Malapit na ako, 50 more steps. 49.. lakad.. 30.. lakad.. 17.. 8 more, and nasa tapat na 'ko ng bahay!

Imagining My Future Boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon