4r4y kh0 bh3

12 0 0
                                    

Totoo ba tong nakikita ko?! Isang mensahe mula sa pinakamamahal ko. 

Hiro: "Hello. Sorry kung ngayon lang ako nakatext. Medyo busy kase dito. Ako nagbabantay kay Lola, tapos dumating pa yung asawang kano ni Mommy."

Ako: "Ok lang yun. Ang mahalaga nagparamdam ka na."

Siguro almost 4 hours din kami magkatext hanggang sa nakatulugan ko na sya.

Kinabukasan, maaga ako nagising. Napansin ni Mama na maganda ang mood ko.

Mama: "Ok ang gising natin ngayon ah. Ano meron?"

Ako: "Wala naman Ma, I just found out na buntis pala ako. charot!" 

Mama: "Eh di wow!"

Minsan iniisip ko kung nanay ko ba sya o barkada ko lang. 

Natapos ang isang araw wala na naman akong natanggap na text galing kay Hiro. Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko. Gustong gusto ko na sya puntahan ng mga oras na yun kaso gabi na at hindi na ako palalabasin ng bahay. 

Hindi ako pinapatulog ng sobrang pagiisip kung ano bang nangyayare kay Hiro tila ba ang dami kong utak na naguusap usap kung anong mga posibleng nangyare.

1. Busy lang talaga sya? (tulad ng nasabe nya noong huli kaming magkausap.)

2. Third party? (hindi ko alam pero hindi ko maiwasan na isipin na may ganitong eksenang nangyayare, pero positive pa din ako magisip na wala.)

3. Walang load? (niloadan ko naman sya pero hindi pa din sya nagtetext.)

"Like what the f*ck!" Ano ba naman Hiro! Ano bang nagawa ko! Pwede mo naman sabihin sa akin kung ayaw mo na! Wag naman sa ganitong paraan! Hirap na hirap na ko!" text ko sa kanya habang umiiyak.


Lumipas ang ilang buwan at hindi na talaga sya nagparamdam. Halos 6 months na akong walang balita sa kanya.


FOREVER and EEVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon