Hiro my Hero

48 2 0
                                    

Tuloy pa din tayo sa throwback hurtsday ko. Ang naging pangatlo ko namang partner ay si Hiro. Isa din syang estudyante katulad ko kaso magkaiba kami ng school na pinapasukan.  Galing sya sa isang mayaman na pamilya. Bunso sya sa tatlong magkakapatid kaya sunod lahat ng layaw. Nakakagulat man isipin pero bestfriend sya ni Van, ang naging pangalawa kong partner. 

Nagka-kilala kami sa isang inuman dahil pinakilala sya sa akin ni Van. Bestfriend nga daw nya ito since high school kaya super close sila. Noong una pa lamang ay ramdam ko na hindi straight si Hiro. Panay ang tingin nito sa akin na akala mo naman ay hindi ko napapansin. Noon palang mabalitaan ni Hiro na break na kami ni Van ay agad agad nitong hinagilap ang aking number.

Hiro: "Hi." text nya sa akin.

Ako: "Sino ka po?" tanong ko kase hindi naman naka-save ang number na ito sa phonebook ko.

Hiro: "Hiro."

Laking gulat ko na kay Hiro pala ang number na iyon. "Oh ikaw pala. San mo nakuha number ko?"

Hiro: "Hindi na mahalaga yun. Punta ka naman dito sa may tapat ng school. Nagkayayaan kasi kaming magkaka-klase. Konting inuman lang."

Ako: "Huh? Saan ba yan?"

Hiro: "Basta punta ka na lang sa may tapat ng school. Doon kita susunduin. Antayin kita ha."

Ako: "Oh sige. Wala din naman akong gagawin eh."

Nagdadalawang isip akong pumunta kase hindi ko naman ganoon kakilala pa si Hiro. Pero hindi ko alam kung anong ispirito ang nagtutulak sa akin na pumunta at dali dali na akong nagbihis.

Natapos ang inuman at nakauwi ako sa bahay. Wala naman masyadong nangyaring iba sa inuman kase halos lahat naman ng kainuman namin ay kilala ko. Naghilamos na ako at nagtoothbrush. Nahiga na ako ng biglang magring ang cellphone ko.

 Ako: "Hello. Oh Hiro napatawag ka?"tanong ko na may halong pagkagulat.

Hiro: "Ah kakamustahin lang kita."tanong nya sa akin na parang nabubulol na ewan.

Ako: "Ok lang naman. Eto nakahiga. Parang hindi tayo magkasama kanina, makapagtanong ka naman dyan."

Hiro: "Ah good. Salamat kanina ah sa pagpunta. Hindi ko akalain na pupunta ka."

Ako: "Sus, para yun. Wala yun. Salamat din kase nakapaglibang libang din ako kahit paano. Oh pano, matutulog na ako. Maaga pa pasok ko bukas."

Hiro: "Teka lang!"

Ako: "Oh bakit?"

Hiro: "Magu-good night lang sana ako."

Ako: "Sus, kala ko naman kung ano. Oh good night."

Hiro: "Good night. Hmm.."

Ako: "Oh bakit? May sasabihin ka pa ba?"

Hiro: "Lalakasan ko na ang loob ko. Gusto kita Ram. Pwede ba kita ligawan?"

Laking gulat ko sa narinig ko. "Huh?!! Seryoso ka? Lasing ka lang itulog mo na yan."

Hiro: "Seryoso ako."

Ako: "Tanungin mo na lang ako nyan kapag wala ka ng bahid ng alak. Lasing ka lang. Itulog mo na yan. Good night na."

Hiro: "Good night." na tila ba nalungkot sa aking sinabi.

Kinaumagahan ay tumawag ulit sa akin si Hiro para tanungin kung pwede nya akong ligawan. Akala ko ay dala lamang iyon ng kanyang kalasingan. Hindi pala. Seryoso nga sya. At doon na nagsimula ang lahat.



FOREVER and EEVOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon